ANG bonsai tree plants ba ay bad feng shui para sa bahay? Ang tanong tungkol sa feng shui use ng bonsai tree sa alin mang space, sa bahay man o opisina, ay walang decisive “Yes” or “No” answer.
Ito ay dahil ang beneficial (or not) feng shui use ng ilang items ay maaari lamang desisyonan ng may-ari ng bahay. Sa madaling salita, ang item katulad ng bonsai tree ay maaaring magbuo ng excellent feng shui energy/associations para sa iyo personally habang sa iba ang bonsai tree ay maaaring bad feng shui/o magdudulot ng bad associations.
Ang symbolic level ng feng shui ay nagaganap ayon sa iyong pakiramdam sa specific item sa inyong bahay, ito man ay bonsai tree o colorful painting. Hindi sinasabing walang specific guidelines or rules, sa punto ng paggamit ng feng shui cures.
Ilan sa rules sa feng shui world ay very clear, at ang iba ay bukas sa interpretasyon. Halimbawa, ang rule tungkol sa clutter bilang bad feng shui ay very clear rule, gayundin ang rule tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng strong and powerful front door.
Gayunman, sa punto ng feng shui ng bonsai trees, tayo ay pumapasok sa teritoryo ng “Ganito ang sinasabi nila, ngunit depende ito sa akin.”
Ikaw ang may-ari ng bahay at ito ay iyong enerhiya, kaya ikaw ang mag-dedesisyon kung ano ang higit na makapagpapalakas ng iyong enerhiya sa puntong ito.
Lady Choi