Wednesday , November 6 2024

Ai Ai, handa na sa personal na atake sa pagpasok sa politika

ni Ronnie Carrasco III

SA ating political landscape, marami sa ating mga sikat na personalidad sa showbiz ang inspiradong pumalaot sa larangang ito to the point na ang kanilang peg ay walang iba kundi si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

In a previous column, lantaran ang paghanga ni Boy Abunda sa liderato ni Ate Vi that dates back noong mayor pa ng Lipa City sa Batangas ang Star for All Seasons until she clinched the gubernatorial seat.

And should the King of Talk take the political plunge, mas gugustuhin daw ni Kuya Boy na tahakin ang parehong landas na napanagumpayan ni Ate Vi.

With the mere mention of Kuya Boy’s name, can one of his prized artists Ai Ai de las Alas be far behind?

Tubong-Calatagan, Batangas ang komedyana. In fact, aktibong opisyal ng barangay ang isa niyang kadugo. As we speak now, kasado na raw ang plano ng hitad na suungin ang mundo ng politika.

Hindi nga lang daw tiyak kung mayor ng nasabing bayan ang target ni Ai Ai, but whichever, premature mang sabihin pero shoo-in na ang komedyana sa posisyong nais niyang masungkit.

Like her surrogate father (Kuya Boy), Ai Ai wants to follow in the footsteps of Ate Vi, from whom kukuha siya ng advice sa papasuking larangan.

Nababahala na ba ngayon pa lang si Ai Ai sa inaasahang mud-slinging mula sa kanyang makakatunggali, na karaniwa’y pamemersonal na ang atake? Kompiyansangvsagot ng aming kumare, “My life is an open book.”

PINAUSUKANG TAWAS, GINAGAMIT NA PAMPASIKIP NG ARI SA MIDDLE EAST

SAMANTALA, natatawa na lang ang common gay friends namin ni Ai Ai sa kanyang ineendosong procedure to tighten one’s woman’s keps.

Ito ‘yung mga kaibigan namin na nagtatrabaho sa Middle East.

No malice intended, pero para-paraan din lang kung paanong naliligayahan ang karamihan sa mga gay OFW.

A text message from a common gay friend namin ni Ai Ai reads:  ”Kahit naman diyan sa atin (sa Pilipinas), ganoon din naman ang nangyayari. ‘Analogy’ kung ‘analogy’ (anal intercourse) ang name of the game. Ang kaso, rito (sa Middle East), daks ang mga afam!”

Pero nakatuklas daw sila ng paraan kung paanong mala-birhen pa rin daw ang kanilang “artificial flower.”

Pahabol na text message ng aming OFW friend, “Pinauusukan namin ‘yung tawas. Habang umuusok, nakahubad  nakatuwad sa pinanggagalingan ng usok.  Mga ilang minuto rin ‘yon para pumasok ‘yung usok sa alam mo na. Presto, masikip na uli!”

Wala naman sigurong iniwan ang totoong flower sa artipisyal na bulaklak, kaya why subscribe to an expensive medical procedure?

About hataw tabloid

Check Also

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABILni John Fontanilla MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend …

GMA 7

Eskandalo sa ilang GMA artists sunod-sunod 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN sa ilang seryosong blogs ang umano’y pagiging mas relevant daw …

Ellen Adarna Derek Ramsay Elias Baby

Binyag sa baby girl nina Derek at Ellen paghahandaan na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus CONGRATULATIONS naman ang ating pagbati kina Ellen Adarna at papa Derek Ramsay dahil mayroon ng …

Annabelle Rama Ruffa Gutierrez Herbert Bautista Richard Gutierrez Barbie Imperial

Kumpirmado: Herbert at Barbie present sa birthday ni Annabelle

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WELL, it’s out in the open. Kung pagbabasehan natin ang naging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *