Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 utas, 45 sugatan sa 3 road mishap

TATLO ang patay habang 45 ang sugatan sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa Naga City, San Fernando City sa La Union, at sa Calauag, Quezon.

Sa Naga City, sugatan ang anim na pasahero ng isang tricycle makaraan mahagip ng isang pick-up kamakalawa.

Kinilala ang driver ng tricycle na si Wilfred Butacao, 39, residente ng San Rafael ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng nasabing sasakyan ang kahabaan ng Liboton nang biglang mag-overtake ang pick-up na minamaneho ni Martino Santiago ng Southern Leyte.

Sa Ili Sur, San Juan, La Union, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring banggaan ng isang truck at tricycle sa national highway kahapon ng madaling-araw na ikinamatay ng tatlo katao.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Ronald Larana, Domingo Tangonan at Aries Tugade, mga karpintero at pawang mga residente ng Bolinao, Pangasinan.

Napag-alaman, nanggaling sa bahay ng kanilang employer ang mga biktima sa bayan ng Bacnotan, La Union at pauwi na sila sa Pangasinan lulan ang tricycle na walang plate number, nang mangyari ang insidente.

Samantala, agad itinakbo sa pagamutan ang hindi pa nakilalang driver ng ten-wheeler cargo truck (RBX 202) na may kargang limestones.

Habang 39 ang sugatan nang salpukin ng pampasaherong bus ang isang sari-sari store sa Calauag, Quezon kamakalawa.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na minamaneho ni Richard Ayala ang Raymond Bus mula Bicol patungong Maynila sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Apad sa naturang bayan nang biglang makasalubong ang isang truck.

Inagaw aniya ng truck ang linya ng bus at upang makaiwas sa banggaan, minabuti na lamang ni Ayala na kabigin ang manibela at ideretso sa tabi ng kalsada ang bus.

Ngunit dahil sa madulas na daan bunsod ng buhos ng ulan ay nawala rin sa kontrol ang bus kaya sumalpok sa isang sari-sari store na pag-aari ni Joseph Antonio.

Agad dinala sa St. Peter’s General Hospital ang mga sugatan habang ang driver ng truck na itinuturo ni Ayala na naging ugat ng aksidente ay tuluyang nakatakas.

(RAFFY SARNATE/BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …