Friday , November 22 2024

Tumatakas:

Mayroon isang preso na nakalinya na sa death row at malapit na ang sintensiya. Nag-iisip siya kung paano siya makakatulong sa abot ng kanyang makakaya bago man lamang siya mamatay.

NAGKAROON NG ISANG AKSIDENTE at napanood sa TV ng preso

PRESO: “Warden, napanood ko po sa TV na mayroon naaksidente at naputol ang dalawang paa ng kawawang biktima. Para po makatulong ako ay i-donate ko po ang dalawang paa ko sa biktima.”

WARDEN: “Napaka buting tao mo naman. Sige kokontakin ko ang biktima at papa lipat natin ang dalawang paa mo sa kanya…..”

Isang linggo ang nakalipas, mayroon na naman naaksidente….

PRESO: “Warden, mayroon po naipit ng tren at naputol po ang kanang kamay nya, kawawa naman, kung pwede po ay i – donate ko ang kanang kamay ko sa biktima para naman makatulong ako.”

WARDEN: “Napaka-bait mo naman. Sigurado ako na mababawasan ang kasalanan mo sa mata ng Diyos kung sakaling hatulan kana Niya. Kontakin ko kaagad ang biktima para mai-transplant na ang kanang kamay mo.”

Nakalipas ulit ang isang linggo mayroon na naman aksidente…

PRESO: “Warden mayroon ako nabalitaan na nabangga sa Quiapo at naputol ang kaliwang kamay, kung pwede po sana na i donate ko nalang ang natitira kong kaliwang kamay sa kanya para naman makatulong ako.”

WARDEN: “Talangang pagpapalain ka ng Diyos nyan. Kontakin ko ulit ang biktima, para mailipat na ang kaliwang kamay mo.”

NAKALIPAS ULIT ANG ISANG LINGGO AT MAYROON NA NAMAN AKSIDENTE:

PRESO: “Warden napanood ko po sa TV na nangangailangan ng MATA ng naging biktima ng aksidente, at kung pwede ay i donate ko nalang ang mga mata ko bago man lang ako sisntensyahan.”

WARDEN: “WALANGHIYA KA TALAGA. IKULONG ITO AT IBARTOLINA. AKALA MO HINDI KITA MATUTUNUGAN. UNTI-UNTI KA TUMATAKAS DITO.”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *