Sunday , May 11 2025

Tuition hike ng DepEd, kalbaryo

NAKABABAHALA na talaga ang edukasyon sa bansa. Ito na nga lang ang tanging maipamamana ng maraming magulang sa kanilang anak pero tila mukhang mabibigo pa ang marami.

‘Ika nga, talagang sinisikap at ginagawa ng mga magulang ang lahat makapasok lang sa magandang pribadong eskwelahan ang kanilang anak pero dahil sa kalokohan este, kabutihan ng Department of Education (DepEd) ay may posibi-lidad na tataas ang bilang ng mga mag-aaral na hindi muna papasok.

Marahil ang estilong gagawin ng mga magulang ngayon ay… si Kuya o Ate muna ang mag-aaral at kapag nakatapos na sila…ikaw na ang susunod na pag-aaralin bunso.

Ang estilong sina Kuya at Ate muna ay matagal nang naging practice sa bansa sanhi ng kahirapan pero dahil sa pinaggagawa ng DepEd nitong nakaraang Linggo, malamang na hindi lang si bunso ang hihinto muna sa pag-aaral kundi baka maging sina Ate at Kuya na.

Hindi biro ang inaprubahan ng DepEd, 5 hanggang 35 percent increase ang inaprubahan sa mahigit 1,000 pribadong paaralan.

Tsk…tsk… ba’t ba ganito na lamang kabilis ang pag-apruba ng gobyernong PNoy sa request ng mga pribadong paaralan sa kabila ng kahirapang kinahaharap sanhi ng korupsyon sa gobyerno?

I hope walang lagayan sa pag-aprubang ito. Wala nga bang nakinabang sa DepEd para sa pag-apruba?

Ano ba ang naging basehan ng gobyerno para paboran ang hiniling ng mayayamang negos-yanteng nagmamay-ari ng mga pribadong paaralan, ang sinasabi ng gobyernong PNoy na bumaba na ang bilang ng naghihirap? Kalokohan! Bumaba ang bilang ng naghihirap? Naku, dumarami nga ang pulubi sa lansangan.

Pero ba ang pinagbasehan talaga ng DepEd sa increase? Lagayan blues ba? Nagtatanong lang tayo. Kaya kung mayroon dapat na imbestigahan ang Senate Blue Ribbon Committee, ang isyung ito ang dapat na bigyan rin nila ng halaga.

Matanong ko rin ha, hanggang saan ba ang puwedeng pakialaman ng DepEd sa mga pribadong paaralan? Hanggang tuition fee increase application lang ba?

Natanong natin ito dahil kapag may reklamo kasi laban sa isang pribadong school, sob-rang bagal kumilos ng DepEd pero kapag patungkol sa tuition increase ang pag-usapan, hayun mas mabilis pa sa erop-lano ang kanilang pag-apruba. Bakit?

Napag-usapan na rin lang natin ang pribadong paaralan – abangan ang reklamo ko – ako mismo laban sa isang pribadong school dito sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Mataas na nga ang tuition dito at libro maging ang graduation expenses, hayun iniipit o hanggang ngayon ay hindi pa nila napapagawa ang mga bayad nang yearbook sa kanila. Hindi lang isa o dalawang taon ang tagal kundi umaabot na rin ng hangggang lima o anim taon.

Iyong anak ko nga, 2010 siya nang magtapos ng grade 6 dito pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang yearbook nila – hindi pa nagagawa. Nag-graduate na rin siya nitong Marso ng 4th year high school at bayad na rin uli ang kanyang yearbook para sa batch 2014 at hayun hanggang ngayon ay wala pa iyong para noong 2010. Abangan!

***

Para sa inyong reklamo, tanong, komento at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *