Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, nagpauso sa pagpasok ng mga morenang artista!

ni Letty G. Celi

HAPPY birthday sa May 21 sa isang very important person, none other than Ms. Nora Aunor. Wish namin na more blessings, more projects sa TV5, movies at anik-anik na mahalaga.

If ever na may tatawagin pang superstar sa showbiz, well nauna na si Nora. ‘Wag na lang mag-mention ng exact age. Ang alam ko nasa line of 6 na siya. ‘Yun lang!

Kahit paano, kahit silip lang ay nakita ko ang pagsikat ni Nora ng dahan-dahan. Dahil kay Nora or Guy, nauso ang artistang moreno o morena. Kasi noon kung hindi ka maputi o Tisay, hindi ka puwedeng mag-artista.

Pero si Nora lang ang nagpauso ng black beauty at kulang sa height. Pero grabe na ang kanyang singing voice dahil hindi uso ang biritan. ‘Di uso ‘yung mga ala-Regine, Lani, Angeline at mga boses na makabasag salamin.

Kaya nangingibabaw ang boses ng superstar. Kay Guy ko rin nakita ang ilang malalaking bahay na inari niya na ‘di kalaunan ay nawala, pero I’m sure nang mga panahon niya, may mga investment na siya na sakahan sa bayan niya sa Bicol na isa siyang maglalako ng drinking water sa estasyon ng tren dati.

Kay Guy ko rin nakita ang mga alahas with big diamonds at ang iba’t ibang uri ng watches na ayon sa isang reliable source na sa dami ng mga collection na relo, nakalagay ito sa isang malaking box na pwedeng dukutin. Ganoon!

At ang programang Superstar sa isang network ang umano’y the longest TV show na napapanood tuwing Sunday night. At ang co-host naman ni Guy ay si German “Kuya Germs” Moreno.

Pero bago maganap ang lahat ng mga ito kay Guy, dapat nating malaman na utang na loob ng superstar ang simula ng kanyang showbiz career sa isang well respected man na mahal ng mga taga-showbiz, walang iba kundi ang yumaong producer ng SampaguitaPictures, si Dr. Jose Perez.

Si Doc Jose ay asawa ni Madam Azucena V. Perez, ina nina Marichu ”Ichu” Perez-Maceda, Lilibeth Nacpil, Pepito at may isa pang girl na ‘di ko ma ma-recall ang name. Ang nasirang Doc Perez ang naka-discover kay Guy at nagpasikat sa kanya at iba pang artista likeSusan Roces, Amalia Fuentes, Gloria Romero, Rosa Mia, Kuya Germs, Juanco Gutierrez, Jose Mari, Luis Gonzales, Bella Flores, Eddie Gutierrez, Dolphy, Panchito, Pancho Magalona, Tita Duran, Liberty Ilagan at marami pang iba. Wala kang itulak-kabigin sa kisig at ganda nila.

At si Gina Pareno, napakaganda at sexy. Dahil sa kanya kaya naitatag ang Philippine Movie Press Club (PMPC) at nagsama-sama ang mga movie reporter sa pangunguna ni Cora Mendoza nang awayin ni Gina ang isang male reporter nang nagsulat ito ng isang bagay na hindi niya nagustuhan.

Well, bahagi lamang ng kahapon ng superstar ito na magdaraos ng kanyang birthday sa May 21. ‘Yun lang!

Baguhang direktor na si Gino, hinangaan ni Direk Joey

OKAY naman pala ang segment na stariray ang dating ng alaga ni Kuya Germs, si Shalala sa Shalala On the Street. Enjoy daw siya dahil ang mga topic ay boys.

Kinikilig daw siya. Laki naman ng pasalamat ng group of writers ng Showbiz Police (Una sa Eksena) na direksyon ni GB San Pedro at main host nila sina Cristy Fermin, Shalala, at Direk Joey Reyes. Gusto ko rin ang Director’s Statement ni Joey.

Natiyempuham ko ‘yung interview ni Direk Joey sa isang very young and handsome guy, si Gino Santos, 24, at tapos ng film making sa St. Benilde. Siya ang nagdirehe ng indie movie na The Animals at bilib si Direk Joey, dahil first movie ni Gino, ang ganda ng pagkakagawa.

Enjoy si Gino sa kanyang nagawang project at mayroon na siyang another na project na isu-shoot.

Mga balita sa Showbiz Police, kaabang-abang

AT least, sabi ni Cristy Fermin, hindi naman nahuhuli ang TV5 sa ibang network, dahil may laban ang kanilang programang Showbiz Police, Una sa Eksena.

Very proud sina Nay Cristy at Direk Joey Reyes at mga kasama sa show. ‘Ika nga, kaabang-abang ang mga balita ng kanilang Showbiz Police,ntalaga namang Una sa eksena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …