Monday , December 23 2024

Negosyante hinoldap binoga kritikal (P.2-M natangay)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang negosynate sa Mary Johnston Hospital matapos holdapin at barilin ng apat na holdaper sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Francis Lato y Lao, may asawa, ng 558 Lakandula St., Tondo at natangay ang kanyang dalang P200,000.

Sa inisyal na ulat sakay ng motorsiklong kulay itim na walang plaka ang dalawa sa mga suspek na mabilis nakatakas sa masikip na Ilaya St., tapat ng Sto. Niño church at ilang metro ang ang layo sa MPD Morga police station (PS2).

Sa ulat kay PS2 commander Supt. Jackson Tuliao ng dakong 1:20 p.m. naglalakad ang biktima sa lugar papuntang Metro Bank bitbit ang P200,000, nakalagay sa itim na backpack,   nang akbayan ng isang lalaki, saka binaril nang dalawang beses.

Nang bumagsak sa kalsada ang biktima, dito kinuha ang itim na bag at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad isinugod sa ospital ng mga barangay tanod ng Barangay 1, Zone 3 ang biktima.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *