Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles bilang state witness malabo — PNoy

NANINIWALA si Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III na malabo pang maging state witness si Janet Lim-Napoles sa pork barrel scam.

Sinabi ni Pangulong Aquino na batay sa batas, dapat “least guilty” ang gawing state witness sa isang kaso.

Ayon kay Pangulong Aquino, lumalabas na si Napoles ang nasa sentro ng iskandalo.

Halos lahat aniya ng sangkot sa pork barrel scam ay may koneksyon kay Napoles.

Pabago-bago rin aniya ang mga pahayag ni Napoles kung sino ang mga nakinabang sa pork barrel scam.

(ROSE NOVENARIO)

MAS MAHABANG NAPOLES LIST ABANGAN— LAWYER

NASA final stage na ang affidavit ni Janet Lim-Napoles at masasagot na ang hamon ng mga nakalagay sa “Napoles list” na magpakita ng basehan ukol sa naturang talaan.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Bruce Rivera, laman ng salaysay ang mahahalagang mga punto kung paano nangyari ang mga transaksyon.

Inamin din ni Rivera, naitago ng kanyang kliyente ang mga dokumento ukol sa pork barrel scam sa isang safe na lugar bago pa siya ikinulong sa Fort Sto. Domingo.

Asahan aniya ang mas mahabang listahan ng mga pangalan ng mga naging katransaksyon ni Napoles, lalo’t maaaring makasama rito kahit ang maliliit na deal.

“Sa second na longer affidavit niya, may naidadagdag pa. Because when she checked her records, may mga transactions pala ‘yung ibang mga personalidad,” wika ni Rivera.

Tumanggi muna si Rivera na magbigay ng clue kung sino-sino ang mga posibleng mapabilang sa bagong affidavit ng binansagang pork barrel queen.

Inaasahang matatapos ang salaysay at maisusumite sa DoJ sa Miyerkoles.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …