DALAWANG dating imports ang muling magpapakitang-gilas sa magkahiwalay na laro ng PBA Governors Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ipaparada ng Rain or Shine si Arizona Reid sa duwelo nila ng Air 21 sa ganap na 5:45 pm. Sasandig naman ang Globalport kay Leroy Hickerson sa laban nila ng Barangay Ginebra San Miguel sa 8 pm main game.
Si Reid ay nasa ikatlong torneo niya bilang import ng Elasto Painters. Si Hickerson ay lalaro sa kanyang ikatlong koponan matapos na maging import din ng Air 21 at Barako Bull.
Makakatunggali ni Reid si Allen Durham ng Express. Katapat naman ni Hickerson si Zaccheus Mason, isang produkto ng University of Tennessee-Chattanooga.
Ang Rain or Shine at Air 21 ay parehong nakaabot sa semifinals ng nakaraang Commissioner’s Cup subalit natalo sa magkahiwalay na kalaban. Winalis ng Talk N Text ang Rain Or Shine, 3-0 pero napuwersa g Air 21 sa limang games ang nagkampeong San Mig Coffee bago yumuko.
Ang mga inaasahan ni coach Joseller “Yeng” Guiao ay sina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Arana.
Ang locals ng Air 21 ay pangungunahan ni Paul Asi Taulava, na natalo kay Jayson castro ng Talk N Text sa labanan para sa Best Player of the Conference award ng Commissioner’s Cup.
Ang 41-taong gulang na si Taulava, na pinakamatandang manlalarong torneo, ay tutulungan nina Mark Cardona, Joseph Yeo, Aldrech Ramos at Sean Anthony.
Magpupugay bilang head coach ng Barangay Ginebra si Jeffrey Cariaso na humalili kay Renato Agustin. Ang mga locals na aasahan ni Cariaso ay sina Gregory Slaughter, Japhet Aguilar, Mark Caguioa, Chris Ellis at LA Tenorio.
Nasa ikalawang conference naman bilang head coach ng Globalport si Alfredo Jarencio at kumpiyansa siyang makakabangon sila sa masagwang peformance sa nakaraang torneo. Kabilang sa mga sasandigan ni Jarencio sina Jay Washhington, Alex Cabagnot, Jondan Salvador at rookies Terrence Romeo at RR Garcia.
Sa pagbukas ng torneo noong Linggo aynagposte ng panaloang Barako Bull at Alaska Milk. Naungusan ng Energy ang Meralco, 95-94 samantalang tinalo ng Aces ang San Miguel beer, 94-87.
(SABRINA PASCUA)