Friday , November 22 2024

Batang Kalye (Part 21)

KASAMA NI KUYA MAR SI SPO4 REYES NA PINASOK ANG HIDEOUT AT NAKITA NILA ANG SHABU LAB SA LOOB

“Nakausap ko na rin si PNP chief Senior Superintendent Gallardo. Ipadadala raw rito si Kernel Galang bilang ground commander. Kay Kernel manggagaling ang lahat ng mga instruction. ‘Wag daw tayong gagalaw hangga’t wala pa siya at ang magiging mga back-up nating pwersa ng NBI at PDEA,” pagbibigay-impormasyon naman ni SPO4 Reyes.

“Anong oras kaya darating ang NBI at PDEA?” naitanong ni SPO3 Sanchez.

Sinulyapan muna ni SPO4 Reyes ang suot na relong pambisig.

“Mag-aalas-onse na…Maya-maya lang siguro, e, narito na ‘yun,” anito sa kasamang police woman.

Namalayan na lamang nina SPO4 Reyes at SPO3 Sanchez ang mabilis na paghakbang ni Kuya Mar na desididong pumasok sa bahay na bato.

“Hoy, ‘wag kang pasaway… Gusto mo bang ma-spoil ang operasyong ‘to?” bulyaw ni SPO4 Reyes kay Kuya Mar na tila isang bingi.

“A-ang tigas ng ulo mo…” singhal ni SPO4 Reyes na habul-habol si Kuya Mar sa mabilis na paglalakad.

“Kung anuman ang diskarte n’yo, gawin ninyo… Pero pabayaan n’yo ako sa sarili kong diskarte,” ang narinig kong tugon ni Kuya Mar sa pagsaway sa kanya ni SPO4 Reyes.

“Matataya sa panganib ang buhay mo…” anito pigil ang galit kay Kuya Mar.

Paano naman ang buhay ng anak ko? … Kaya, pwede ba, pabayaan mo ako.”

At lalo pang magdudumali ang mga pag-hakbang ni Kuya Mar.

Nang makapasok sa compound ng bahay na bato si SPO4 Reyes na kasama ni Kuya Mar ay sa cellphone na lamang ito nakikipagkomunikasyon kay SPO3 Sanchez. Palibhasa’y naka-loudspeaker ang CP ni SPO3 Sanchez kaya dinig namin nina Ate Susan at Joel ang lahat ng mensahe na ibinabato sa kanya ni SPO4 Reyes. Bawa’t kilos nina Kuya Mar ay ipinaaalam sa kanya ni SPO4 Reyes. Bawa’t makitang mga bagay-bagay at pagkilos ng mga tauhan ng sindikato ay kanyang binabanggit din. May malaking shabu lab daw sa loob ng bahay na bato. At nang gabing ‘yun ay tila nakatakda umanong mag-deliver ng droga ang isang van na naroroon sa loob ng bakuran niyon.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *