ni Pilar Mateo
I felt lucky that I was sent two complimentary tickets sa Forbidden: AnneKapal concert ng binansagan pang Concert Sweetheart ng Concert King na si Martin Nievera na kung tawagin naman ni Regine Velasquez eh, sa buo nitong pangalang Anne Curtis Smith!
Hindi ko na-witness ang super successful concert niyang nauna, ang Annebisyosa. Na inabangan talaga at nag-react pa nga ang ibang legitimate artists dahil binibigyan siya ng ganoong pagkakataon at sa malaking venue pa.
Aminin natin na noon ay talagang tunog hinihiwang yero ang boses nito.
Eksakto 8:00 p.m., gaya ng nakasaad sa tiket nasa loob na ako ng medyo mainit pang venue at hindi pa nakatodo ang pagkabukas ng AC units. Nagkita na na kami ng isang kasama.
Dalawang gates ang dinaanan ko kasi sa red gate ako papasok. Walang nakapila. Nakita ko rin sa takilyera ang presyo ng mga tickets, P4k plus ‘yung sa amin.
Alas nuwebe nagsimula ang palabas. Inantabayanan ko ‘yung lilipad daw ito sa palibot ng Araneta. Eksads! Sumakay lang siya sa korteng lips na sofa. Tapos nag-harness siya papunta sa kalagitnaan o lamps ng entablado sa ere na nag-sirko-sirko habang kumakanta at naglambitin, lumakad sa ere.
Aliw naman ang mga tao. By that time puno na sa ibaba pero there were areas sa itaas na may mga bakante pa.
Hindi pa naman ako naiirita sa boses niya at tingin ko nga kahit paano eh, nag-aral na ito ng voicing o kung paanong sasabay at be-blend sa kanyang guests like the Robert Sena na Neasun Dorma (from Turandot) ang binanatan. Sa aking batayan, tanging si Lani Misalucha lang ang na-appreciate kong nakakanta nito ng bongga. Then, si Martin, si Ogie Alcasid, si Regine at ang tandem na Luis Manzano at Billy Boy.
Sumorpresa si Sam Milby pero para naman dahil parang hangin lang na dumaan.
Nasabi ko na electrifying ang palabas eh, magkasunod ba namang pagsuotin ng mga gown na may umilaw na mga tivoli lights si Anne, buti na lang ‘di nakoryente.
Sa production value nito—it was truly a spectacle. Kaya nga siguro ang mahal ng tiket. Titanium daw siya according to Anne’s spiels bago ito kantahin. Naiyak dahil sa mga bashers niya ito inihandog.
Her whole family was there at hinandugan niya ng mother’s day segment ang kanyang ina.
Lumabas na kami nang magpaalam na siya. Pero may encore pa siya na sumakay siya uli sa malaking lansa as at doon nag-shower sa pagkanta niya ng Luha.
Hindi ko maikompara ito sa nauna dahil ‘di ko nga napanood pero ang sabi ng mga nakausap ko, mukhang nawala ang ningning ni Anne sa pagkakataong ito.
Hinanap nila kahit man lang daw one fourth ng 3 million hits nito all over the world. Waley!
Okay-okay na ang boses niya. ‘Wag na sila mag-isip ni Luis na mag-duweto uli.
Annebisyosa. Annekapal.
May nag-improve ng kaunti sa boses ni Anne. ‘Di naman ako nakulili. Totoo, bumawi siya sa sangkaterbang costume changes niya na nagpa-angat sa kanyang ganda. Maraming sponsors. At lahat ng nagmamahal sa kanya. Hinahanap ko ‘yung Anne pandemonium. Dalawa-tatlo ‘yung nagpapalitan ng tilian sa pinaka-itaas na section ng Araneta.
Kahit inamin niyang pasaway siya, wala naman doon sa audience ang mga taong dapat na nakaririnig ng pag-amin at pagsisisi niya.
Matatagalan pa siguro na masundan ang concert o palabas na ito ni Anne rito sa bansa. For sure, iikot din ito abroad.
Lesson learned now—laging isiping anumang pagne-nega sa anumang paraan—maliit o malaki eh makaaapektong talaga sa mga ginagawa.