Monday , December 23 2024

Titulo ng UST dean ipinabubura (Sabit sa lagareng hapon)

051914_FRONT

NAGHULAS na bang talaga ang delicadeza sa mga opisyal at kinatawan ng pamahalaan sa ating bansa?

Kinakaharap ang katanungang ito ng dekano ng UST Faculty of Law na si Atty. Nilo Divina dahil nagsisilbi siyang miyembro ng United Coconut Planters Bank (UCPB) Board of Directors bilang kinatawan ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) at siya rin kasalukuyang abogado ng nasabing banko.

“Malinaw na ito ay kaso ng conflict of interest na hindi dapat ginagawa ng dekano ng isa sa pinagpipitaganang law school sa bansa,” ayon kay Atty. Oliver San Antonio, isang guro ng Legal Ethics, private law practitioner at dating Chairperson ng UP University Student Council.

“Bilang kasapi ng Board ng UCPB, si Divina ang nag-a-approve sa pagkuha ng serbisyo ng external counsel o abogado ng banko. Isa rin siya sa mga nagdedesisyon kung magkano ang legal fees nito,” ayon kay San Antonio.

“Ngunit ano ang ginawa ni Dean Divina? Bilang bahagi ng UCPB Board, sinamantala niya ang katungkulan sa pagkuha ng serbisyo ng sarili niyang law firm. Ngayon, hindi lamang sumusweldo bilang kasapi ng UCPB Board, nagkakamal din siya sa serbisyo bilang abogado ng nasabing banko,” paliwanag ng abogadong nagtapos sa UP.

Ang pagkakaluklok ni Divina sa UCPB Board bilang kinatawan ng PCGG ay naaprubahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong January 2011. Si Divina ang nagtatag ng Divina Law at managing partner ng nasabing tanggapan. Isa sa mga corporate clients na nakalista sa website ng nasabing law firm ang UCPB Savings Bank na isang subsidiary sa ilalim ng UCPB. Noong isang taon, idineklara ng Korte Suprema na ang mayoryang pagmamay-ari ng UCPB ay sa gobyerno.

Mariing tinuran ni San Antonio na bilang opisyal ng gobyerno at kasapi ng Philippine Bar, masasakdal si Divina sa paglabag sa mga atas ng Republic Act No. 6713 na kilala rin bilang “Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees,” kasabay ng angkop ng habla sa paglabag nito sa Integrated Bar of the Philippines Code of Professional Responsibility.

Ang isang abogadong nagsisilbi sa pamahalaan ay pinagbabawalang gamitin ang posisyon upang isulong ang pansarili at pribadong interes ayon sa Rule 6.02 ng Canon 6 ng Code of Professional Responsibility ng mga abogado.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *