Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-30 labas)

ALANG-ALANG KAY CARMINA MATIYAGA KONG PINAKINGGAN ANG MGA SALITA NG DIYOS MULA SA BIBLIA

“Makinig ka, ha?”

Tumango ako kahit alam kong magi-ging kabagut-bagot para sa akin ang pakikinig sa sinasabing mga salita ng Diyos na nasusulat sa Bibliya. Pero alang-alang kay Carmina na katabi sa mahabang bangko ay itinalaga ko ang sarili na huwag magpapa-talo sa inip.

Pormal munang pinagdaop-palad ni Carmina ang aming mga kamay ni Arsenia. Isinunod niya ang pagpapakilala sa lalaking nasa harap ng mesitang kinapapatungan ng Bibliya.

“Si Totoy po, Ka Rading… kababata ko,” sabi ni Carmina sa lalaking tinatawag na “manggagawa”.

“Magandang gabi…” ang magalang na bati sa akin ng lalaki.

Bahagya akong yumukod bilang ganting pagbati at pagres-peto.

“’Gandang gabi din po…”

“Manalangin muna tayo,” ang sabi ng lalaki sabay sa pagtayo.

Nagtayuan ang lahat, mga nakapikit at nakatungo.

Nagyuko rin ako ng ulo pero hindi naman talaga nakapikit ang aking mga mata. Palihim kong sinulyapan si Carmina. May nabakas akong kakaibang aura sa kanyang katauhan. Nasa anyo niya ang kapanatagan ng kalooban na nagpaamo pa sa maamo niyang mukha. Taimtim na naki-koro siya sa iba pang naroroon sa pagsagut-sagot ng” opo, siyanga po at amen” sa bawa’t ilang linya ng panalangin sa pangunguna ng nasa harapan naming manggagawa.

Makaraang manghingi ng kapatawaran sa binabanggit-banggit na “Ama”, ang lalaki ay nagpasalamat sa umano’y pagtanggap ng mga biyaya at pagpapala sa araw-araw. At kabilang sa mga isinamo: “Loobin mo po sana Ama na tumimo sa aming mga puso at isipan ang Iyong mga salita, isabuhay ang kalooban Mo at maging karapat-dapat kami sa mga paglilingkod sa Iyo.”

Sa palagay ko, tumagal lang ng kinse o beinte minutos ang pagbabasa at pagpapaliwanag ng manggagawa sa ilang talata na nasa Bibliya.

“Sige po, mga kapatid,” wika ng lalaki matapos sinupin sa isang bag na kulay itim na gawa sa tela ang Bibliya at iba pang dala-dalahang mga babasahin na pang-ispiritwal.

Sinamahan ni Carmina sa ibaba ng bahay ang pagsakay sa traysikel ni Arsenia at ng manggagawa.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …