Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richie d Horsie, nagtutulak na lang ngayon ng kariton (Kung dati nakahiga sa salapi!)

ni Peter Ledesma

DEKADA 80 nang pumutok ang pangalang Richie ‘d Horsie sa showbiz. Sina Tito, Vic and Joey at ang Eat Bulaga ang nag-build up noon kay Richie na noong mga panahong ‘yun ay naging in-demand sa TV at pagawa ng pelikula.

Infairness mahusay naman talaga siyang komedyante at kinaaliwan talaga ng marami ang kakaibang itsura. Nakilala ang komedyante bilang sidekick sa mga comedy pelikula nina Bossing Vic, Tito Sen at Tito Joey. Dahil sa sobrang kasikatan ay nabigyan pa noon si Richie ng pagkakataon na makapag-record ng long playing album ng isang kilalang recording company. Lahat ng laman ng kanyang plaka partikular na ang awiting “Sobrang Talino Ng Tao” at “Nakakahiya” ay pawang mga pumatok kaya naman nagtuloy-tuloy ang maraming blessings sa nasabing comedian singer.

Pero dahil sa hindi nakontrol ni Richie ang katanyagang kanyang tinamasa ay nalululong sa ipinagbabawal na gamot at ilang beses siyang binigyan ng chance nina TVJ at ng Eat Bulaga lalo na si Bossing para magbago. Pero paulit-ulit pa rin ang pagdodroga niya kaya sino pa ba ang magtitiwala sa kanya.

Ang malungkot na balita, nagtutulak na lang daw ng kariton ngayon si Richie sa lugar nila sa Sucat, Parañaque. Ganyan talaga ang mangyayari sa ‘yo kapag nagpadala sa bisyo at waldas sa pera. Ibig sabihin ay nangangalak na lang ngayon ang nasa pedestal noon na komedyante.

Very sad naman gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …