ni Vir Gonzales
MARAMI ang nakakapansin, parang hindi na raw exciting ang arrive ng Pinoy Big Brother All In. Lalo pa’t nalamang ang mga napiling kasali pala ay parang sariling choice at may palakasan effect!? Hindi kamukha noong araw, mga mukhang inosente ang mga kasaling gumaganap sa loob ng Bahay ni Kuya.
Bakit kaya ganoon ang naging decision ng ABS-CBN? Bakit ipinakita pa nila ang libo-libong nakapila para kunwari ay gustong sumali sa pa- contest nila? Kaso, hindi naman pala totoo, dahil may kanya-kanyang personalidad na silang kukunin. Parang scripted na rin ang pag-uusap ng mga contestant.
Sabi nga, karamihan sa mga sumasali ay humahantong pa sa kuwentong nagkakatulayan. Sana raw maging makatotohanan ang pagganap ng mga nasa loob ng bahay para makatwirang panoorin. Kung scripted din lang kasi what for na subaybayan pa. Ibang-iba kasi ang mga naunang PBB. Parang teleseryeng panoorin, gabi-gabi.
MGA REGALO NG ANAK SA KANILANG INA
KUWENTONG Mother’s Day, na-touch si Amanda Amores noong makitang may chocolate cake sa ibabaw ng kanilang hapag kainan. Napag-alaman niyang pingtulungan ito ng dalawa niyang anak na sina Michelle China Yu at Kia. Tapos ng Culinary Arts si Michelle at marunong gumawa ng iba’t ibang putahe.
Handog daw ng dalawa ang naturang cake para sa kanilang ina.
Sa kabilang banda, kahit simpleng cards lang at roses, parehong happy sina Judy Chua atFatima al Alawe, mother ng mga child star na sina Mona Louise Rey at Miggs Cuaderno. Katwiran ng dalawang ina, kahit paano may alaala ang kanilang mga anak.
Gawang perfume naman ang natanggap ni Len Leng, mother ni Sabrina M ng Tropang Pochi. Gumagawa pala ng perfume ang kanyang anak at una siyang niregaluhan nito.