Monday , December 23 2024

Media personalities todo-tanggi sa ‘NPC’ payola

PANIBAGONG set ng mga pangalan ng media personalities na sinasabing nakinabang kay Janet Lim-Napoles, ang lumutang sa lathala ng isang pahayagan mula sa salaysay ng whistleblower na si Benhur Luy.

Sa panibagong ulat, ilan sa bagong nakaladkad sa isyu sina Korina Sanchez, Mike Enriquez, Deo Macalma, Rey Pacheco at isang Mon Arroyo.

Kanya-kanyang tanggi ang mga taong isinasangkot sa isyu.

Ayon kay Enriquez, maglalabas siya ng pahayag kapag nakita na niya nang buo ang laman ng testimonya ngunit ngayon pa lang ay tinawag na niya itong matinding kalokohan.

Sa panig ni Sanchez, idiniin niyang wala siyang kinalaman sa mga regalong galing kay Napoles. Kung sino man anila ang tumanggap ng regalo ay wala na silang kinalaman doon.

Habang ang iba pang nabanggit na pangalan ay wala pang inilalabas na komento kaugnay sa isyu.

Bago pa lumabas ang pangalan ng nasabing media personalities, lumabas na sa isang pahayagan ang umano’y payola ni Napoles sa ilang press people.

Tinaguring Napoles press club, ang pagbubunyag sa nasabing mga pangalan ay pansamantalang itinago ng mamamahayag na nakakuha ng kopya mula kay Luy.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *