Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, panakip butas sa The Voice Kids dahil may PBB All In si Toni?

ni Roldan Castro

NAKAUSAP namin si Luis Manzano at naitanong sa kanya kung bakit kinuha siyang host ng The Voice Kids.

“Nagkataon lang siguro na gusto nila mas credible ‘yung host. Since, busy si Toni (Gonzaga), ako na lang,” nagbibiro niyang sagot.

“Pero to be perfectly honest, Toni is doing ‘PBB’ kasi, so magkaka-conflict. I think ‘pag nag-live sila, mahihirapan na siya ‘pag nag-live ang ‘The Voice Kids’. Ako na lang ang kinuha,”aniya.

Parang panakip-butas?

“Okey lang ‘yun. Minsan masarap ang maging panakip-butas, eh,” reaksiyon niya.

Sa ngayon , may dalawa pang shows si Luis na inaayos at inuupuan na raw nila kung ano ang itutuloy. Basta ngayon ay mayroon siyang ASAP at The Voice Kids.

“Ini-enjoy ko naman na nagre-rest ako ng konti. Kasi noong nag-work naman ako tuloy-tuloy ako, eh! For me this is a welcome change. I think kailangan din naming mga artist na paminsan-minsan ay easy ang sked para at least ‘pag nagkabugbugan naman, ano kami well rested kami.”

Nakita raw ni Luis sa mga contestant ng The Voice Kids na sobrang magagaling. Para sa kanya blessing ito dahil maipagmamalaki sa ibang bansa kung gaano ka-talented ang mga batang Pinoy.”Curse kasi pasikat ka pa lang, mayroon na kaagad. Kumbaga, magsisimula pa lang ang career mo, someone’s gonna take your place na. Magiging Youtube sensation ka after one month mayroon nang humahabol sa likes mo, lalamangan ka pa. Curse rin ‘yun na maraming magaling.

Kanino siya bumibilib sa coaches ng The Voice Kids na binubuo nina Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo?

“May kanya-kanya silang forte, eh, pero we don’t forget kung ano ang ginawa ni Coach Lea sa mga bata rin. For inspiration, bilang isang Disney Princess. Alam ng mga bata na si Ms. Lea ang kumakanta ng mga Disney,” aniya pa.

Anyway, hindi na bago para kay Luis ang mag-host ng isang programa na bida ang mga bata, dahil nakasama na niya ang mga ito sa Star Circle Kid Quest, Junior Minute to Win It, at Pilipinas Got Talent.

“Na-expose na ako sa mga bata, so alam ko kung anong sasabihin sa kanila o mapagaan ang loob nila. Ako gusto ko ang backstage area, kahit paano hindi pa sila ninenerbiyos. Nalalaman ko ang istorya nila, bakit sila nandito, ang mga bagay na gusto nilang ma-accomplish,” ani Luis.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay makakatrabaho niya si Alex Gonzaga, ang dating V-Reporter sa Season 1 ng The Voice of the Philippines.

“Ang sinasabi ng staff hindi kami pwedeng magsama, kasi tatawa lang kami ng tatawa. Pero matagal ko na siyang kilala, and it’s honestly a pleasure to work with her,” dagdag ni Luis.

Abangan ang pagsisimula ng The Voice Kids na pangarap ang puhunan at boses ng bulilit ang labanan sa ABS-CBN ngayong Mayo 24.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …