SASABAK ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference Finals subalit hindi naman nila makakasama sa basketball court ang pambato nilang power forward na si Serge Ibaka.
Nagkaroon ngt injury si Ibaka nang talunin nila ang Los Angeles Clippers, 104-98 sa Game 6 sa nagaganap na National Basketball Association (NBA) second round playoffs.
Left calf injury isang grade 2 sprain ang natamo ni Ibaka.
“The severity of the injury is not long-term,” sabi ni Thunder general manager Sam Presti. “But the the timing of the injury and how deep we are in the playoffs is unfortunate.”
May average na 15.1 points at 8.8 rebounds sa regular season si Ibaka at nanguna ito sa NBA total blocks (219) sa apat na sunod na season.
May 12.2 points ave., 7.3 rebounds at 2.2 blocks si Ibaka sa 13 postseason games.
Si Nick Collison ang napisil na papalit sa puwesto ni Ibaka na may average na 4.2 puntos at 3.6 rebounds per game sa regular season.
Makakalaban ng OKC ang San Antonio Spurs sa WC Finals.
Malalasap ng Thunder ang pangalawang post season na nababawasan sila ng starter.
Noong nakaraang taon ay na-side line si Russell Westbrook dahil sa kanyang injury sa tuhod.
Samantala, maglalaban naman sa East Finals ang defending champion Miami Heat at Indiana Pacers. (ARABELA PRINCESS DAWA)