Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel Matsunaga, bagong housemate sa PBB All In

ni Nonie V. Nicasio

ANG Brazilian-Japanese model/actor na si Daniel Matsunaga ang pinakabagong PBB All In housemate. Binansagang Hunk of the World, si Daniel ay pumasok sa Bahay ni Kuya last Saturday, kasabay ng first eviction night.

Sa pag-entra ni Daniel sa PBB All In, tiyak na mas maraming tututok sa reality show na ito ng ABS CBN. Sure rin ako na mas magiging interesting ang Bahay ni Kuya with Daniel around. Pero, si Daniel ba ay housemate talaga o tulad din ni Alex Gonzaga na isang house guest sa Bahay ni Kuya at hindi housemate?

Incidentally, marami ang nagbunyi sa suking viewers ng PBB sa pag-announce ni Big Brother sa force eviction ni Cess Visitacion. Maraming viewers kasi ang naiinis nang sobra kay Cess sa pagiging epal at plastic daw nito.

Umiiyak na lumabas ng PBB All In si Cess na halatang hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya. Kabilang sa rason ng ‘pagpapalayas’ sa kanya ay ang pagtatanong ukol sa outside world, paggalaw sa furnitures, pagbulong sa kapwa housemates, hindi pagsuot ng lapel mic, at pagsusulat ng secret message sa likod ng housemate.

Nauna rito, namaalam din sa Bahay ni Kuya si Chevin Cecilio. Siya ang nakatanggap ng pinakamababang boto sa tatlong nominees para sa eviction week. Nakakuha si Chevin ng botong 30.24%, samantalang ang nominees na sina Maris Racal at Loisa Andalio ay nakatanggap ng mga botong 30.38% at 39.37% respectively.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …