Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, natulala sa galing ni Sarah sa Maybe This Time

ni Nonie V. Nicasio

AMINADO ang tinaguriang Teleserye King na si Coco Martin na sobra siyang napabilib kay Sarah Geronimo habang ginagawa nila ang pelikulang Mybe This Time na showing na sa May 28.

“Dito sa movie namin, ako ang nabibigla kay Sarah. Kasi noong mga unang araw namin, halos hindi ko siya mahawakan, ‘di ko alam kung paano kami magko-communicate.

“Pero noong mga ilang araw na ang lumilipas, ako na ang nagugulat sa kanya. Kasi may mga eksena kami na… siyempre love story, mayroong mga romance na eksena, siya ‘yung nagsasabi sa akin na, ‘Co, yakapin mo ako.’ Ako naman nagkakaroon ako ng lakas ng loob, kasi siya ‘yung nagsasabi na huwag na ako mahiya,” esplika ni Coco.

Idinagdag pa ni Coco na natutulala siya sa galing dito ng singer/actress. “Sobra akong na-surprise lalong-lalo na sa mabibigat naming eksena, na parang natulala ako dahil sa sobrang galing dito ni Sarah. Parang feeling ko tuloy hindi ako nakaarte e.”

Sinabi pa ni Coco na sobra siyang nag-enjoy sa pelikulang ito.

“Nakakalimutan ko si Sarah… ‘yung character na (niya) ‘yung nakikita namin sa set. Minsan hindi na itinuturo ni Direk kung anong gagawin. Nae-enjoy namin ang harutan at landian.

“Ang sarap niyang katrabaho, ipinapakita niya na pantay-pantay tayo rito,” saad pa ng bidang aktor sa top rating TV series na Ikaw Lamang ng ABS CBN.

Ang Maybe This Time ay mula sa pamamahala ni Direk Jerry Lopez Sineneng. Ito ay kasaysayan nina Steph Asuncion (Sarah) at Tonio Bugayong (Coco). Magkaibang-magkaiba ang dalawa ngunit pareho nilang mahal ang isa’t isa. Bunsod ng mga pangyayaring wala silang kontrol, napilitan silang maghiwalay at magkanya-kanya. Subalit, magkikita sila matapos ang maraming taon upang either tuldukan o muling magsimula ng panibagong kabanata ng kanilang pagmamahalan.

Ang unang tambalan sa pelikula nina Coco at Sarah ay mapapanood na sa May 28. Tampok din dito sina Rufa Gutierrez, Ogie Diaz, Dennis Padilla, Buboy Garovillo, Sharmaine Buencamino, Tony Mabesa,Marlann Flores, Zeppi Borromeo, Alex Castro, Minnie Aguilar,Kathleen Hermosa, Garlic Garcia, Cecil Paz, at Devon Seron.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …