Wednesday , November 6 2024

Batang Kalye (Part 20)

ATUBILI MAN, SINAMAHAN NAMIN SI ATE SUSAN SA HIDEOUT NG MGA KUMIDNAP SA ANAK NILA

“Alam ko… Alam ko ‘yan, ‘San…Pero mas makabubuti kung nandito ka lang,” sansala ni Kuya Mar kay Ate Susan.

“Hihintayin ko kayong mag-ama.”

“Makababalik kami rito nang ligtas ng ating anak.”

“M-Mag-ingat ka”

“ ‘Wag kang mag-alala… Kasama ko ang Diyos…” ang tiwalang nasabi ni Kuya Mar kay Ate Susan na inaalipin ng takot.

Pag-alis ng bahay ni Kuya Mar ay lalo kong nakita kay Ate Susan ang matinding pag-aalala. Naroon ang maupo-tumayo siya at magpalakad-lakad sa sala ng kabahayan. Naroon ang mag-akyat-panaog ng bahay. Hindi talaga siya mapakali sa isang lugar.

Dalawang oras na yatang nakaaalis ng bahay si Kuya Mar nang pinuntahan kami ni Joel ni Ate Susan sa aming tulugan.

“Pwedeng samahan n’yo ako…” ang pakiusap niya sa amin ni Joel.

“Saan po?” naitanong ko agad.

“Du’n sa pinuntahan ng Kuya Mar ninyo…”

Hindi namin nagawang tanggihan ni Joel si Ate Susan. Kumuha kami ng taksi sa labasan. At mula roon ay nagpahatid kami sa taxi driver sa lugar na pinaroonan ni Kuya Mar kung saan naroroon din sina SPO4 Reyes at SPO3 Sanchez.

Pinapara ni Joel ang taksi sa isang lugar na malayu-layo pa sa lugar na alam kong pino-postehan nina SPO4 Reyes at SPO3 Sanchez at tiyak na kinaroroonan na rin ni Kuya Mar. Naglakad na lang kami sa paglapit sa kanila. At natatanaw pa lang namin silang tatlo ay naulinigan ko na ang pakikipagtalo ni Kuya Mar sa dalawang pulis na kasama niya.

“Papasok ka sa loob ng bahay na bato? Baka nalilimutan mo, trabaho na namin ‘yan.                     Police matter na ‘yan…” ang pagkumpas-kumpas ng mga kamay ni SPO4 Reyes sa pakikipag-usap kay Kuya Mar.

“Gusto kong ipaalala rin sa ‘yo na anak ko ang kinidnap ng sindikato. At bilang ama,                           karapatan kong pangalagaan ang kanyang se-guridad,” ang pagtataas-boses ni Kuya Mar kay SPO4 Reyes.

“ ‘Wag na kayong magtalo… Okey? Ibabato ko na mamaya sa NBI at PDEA ang tungkol sa drug operation ng sindikato sa eryang ito para makahingi tayo sa kanila ng back-up,” singit naman ni SPO3 Sanchez. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *