ni Roldan Castro
BAGAMAT para sa amin ay may potensyal si Robi Domingo bilang host sa TV shows at events, nakatikim din siya ng pamimintas sa nakaraang Miss Earth-Philippines sa social media. Nagtipid daw ba ang naturang pageant at hindi man lang kumuha ng de-kalibreng host?
Busy daw ba sina Luis Manzano, Atom Araullo, Piolo Pascual, Apa Ongpin o Marc Nelson na lang?
Napanood namin ang effort ni Robi na maging matino ang kanyang hosting job sa nasabing pageant pero may pumuna rin na grating ang boses. Masakit daw sa tenga!
Napansin din na may mga pagkakataon na natetensiyon siya sa pagho-host kaya pati pangalan ng judge ay hindi niya nabigkas ng tama. Kitang-kita rin sa facial expression niya na minsa’y hindi siya komportable habang binabasa ang spiels.
Next time, mas kailangan ni Robi na mag-relax para maayos ang pagbigkas niya ng mga salita.
SAM, TIPO NG GLOBE FUSION NA MAGING ENDORSER NG KANILANG PRODUKTO
BAGO nagkaroon ng koronasyon ang Miss Earth Phillippines 2014 ay nagkaroon kami ng chance na makatsikahan ang mga kandidata nila sa imbitasyon ng Globe Fusion, Inc. at Eight TriMedia Pro ni Ms. Kaye Dacer ng DZMM Teleradyo para sa launching ng Aura Skin Nutrition System.
Naitawid ni Ms. Kaye ang pagsuporta sa mga event na sa tingin niya ay may magandang layunin. Tulad na lamang ng Miss Earth Philippines 2014. Todo ang support nila kasama ang partner niyang Global Fusion.
Buong ningning na sinabi ng mga kandidata na nasubukan na raw nila ang Aura Soap na lalong nagpatingkad sa kanilang kagandahan.
At maganda rin siguro kung ialok ni President Rico Uy ng Globe Fusion at ni Ms. Kaye kay Miss Philippines Earth 2014 Miss Cebu, Jamie Herrel na i-endorse ang Aura.
Si Sam Pinto naman ang bet ni Mr. Uy na artista na mag-endorse nito ‘pag kukuha sila ng celebrity endorser.
Talbog!