Monday , December 23 2024

P.4-M benta ng bookstore tinangay ng holdaper

TINATAYANG nasa P463,000 cash na benta ng mga libro ang natangay ng dalawang holdaper nang holdapin ang bookstore ng Espiritu Santo Parochial School, Huwebes ng hapon

Sa report kay Inspector Alexander Bou Rodrigo, hepe ng MPD Crimes Against Property  Investigation Section-Criminal Investigation and Detection Unit (CAPIS-CIDU), naganap  ang panloloob kamakalawa, dakong 3:00 p.m. sa kanto ng Tayuman at Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Sa salaysay nina SPOs1 Edgar Julian at Arlan Alba, dumaan ang mga salarin sa Oroquieta Gate  ng parochial school na ang paalam sa guwardiya kukuha lamang ng mga pangalan ng author ng mga libro.

Pagdating sa loob, agad umanong nagdeklara ng holdap ang dalawang suspek na armado ng baril saka pinadapa ang mga kawani at iba pang tao na nasa loob ng bookstore.

Agad dumiretso ang mga suspek sa cashier’s booth at kinulimbat ang P463,000 benta ng bookstore saka lumabas na parang walang nangyari tangay ang isang cellphone. (l. basilio)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *