Monday , December 23 2024

Manobo tribal leaders wanted sa militar (Mining, logging operations sa Mindanao tinutulan)

051714 manobo leadersDAHIL sa walang habas na pandarahas sa kanilang hanay, humingi ng tulong sa media ang mga leader at miyembro ng Salugpungan Ug Pakigbisog Alang sa Yutang Kabilin (Unity and Struggle for the Ancestral Land) sa press conference na ginanap sa isang lugar sa Talaingod, Davao del Norte nitong Martes, upang manawagan kay Pangulong Benigno Aquino III na ipatigil ang military operation sa nasabing bayan na nagresulta n g maraming paglabag sa karapatang pantao ng mga sibilyan. Nasa larawan (mula kaliwa) ang mga Datu na sina Tungig, Guibang, Doluman at Sanpa. Ang kasama nilang si Datu Guibang Apoga ay may patong na P5 milyon para sa ikadarakip matapos siyang magdeklara ng ‘Pangayaw’ – deklarasyon ng giyera noong 1993 — laban sa pagpasok ng mga mining at logging companies sa kanilang bayan. (BOY BAGWIS)

TINUTUGIS ng militar ang lider ng grupong Salugpungan Ug Pakigbisog Alang sa Yutang Kabilin (Unity and Struggle for the Ancestral Land) bunsod ng pagtutol ng grupo sa pagmimina at logging operations sa Mindanao.

Ang Manobo leader na si Datu Guibang Apoga ay may P5 milyon patong sa ulo makaraan ang pagdedeklara ng Pangayaw o tribal declaration of war, noong 1993 dahil sa pagpasok ng mining and logging companies sa rehiyon.

Napag-alaman na bumalik ang Manobo evacuees sa kanilang tahanan at inani ang abaka sa Sitio Sambolongan, Talaingod, ilang buwan makaraan ang pananatili sa Davao City.

Libo-libong Manobo Lumad ang tumakas mula sa matinding militarisasyon sa 11 barangay sa Talaingod, Davao del Norte makaraan ang serye ng aerial bombings at pangha-harass ng mga sundalo.

Ilan sa kanila, kabilang ang mga babae, ay ginamit ng mga sundalo bilang “guides.”

Nananawagan ang grupo sa administrasyong Aquino na itigil na ang pinaigting na military operations sa kanilang lugar na nagresulta sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga sibilyan.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *