Monday , December 23 2024

China paper OK sa ‘forced war’ vs Vietnam, PH (Sa territorial dispute)

BEIJING, China – Suportado ng China paper ang “non-peaceful measures” sa pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa editorial ng state-run newspaper na Global Times, bagama’t dapat anilang resolbahin ang territorial dispute sa mapayapang paraan, hindi ito nangangahulugan na hindi gagawa ng ibang hakbang ang Beijing.

Ito ay sinasabing dahil sa patuloy na probokasyon ng Vietnam at Filipinas.

Ayon sa Beijing, ang “forced war” ay magbibigay ng mensahe sa ibang bansa sa sinserong intensyon ng China.

“The South China Sea disputes should be settled in a peaceful manner, but that doesn’t mean China can’t resort to non-peaceful measures in the face of provocation from Vietnam and the Philippines. Many people believe that a forced war would convince some countries of China’s sincerely peaceful intentions, but it is also highly likely that China’s strategy would face more uncertainties,” bahagi ng editorial sa Global Times.

Dagdag pa ng Beijing, mistula hindi pa alam ng Filipinas at Vietnam na isang major power ang China at hindi ito basta matitinag sa pressure.

Binatikos din ng China ang Amerika dahil anila sa pagiging bias at may ambisyong sugpuin ang pamamayagpag ng Asian power.

Nasa standoff ngayon ang China at Vietnam dahil sa oil drilling na ginagawa ng Beijing sa Paracel Islands na kapwa inaangkin ng dalawang bansa.

Inalmahan din ng China ang pag-aresto ng Filipinas sa 11 Chinese poachers sa Hasa-Hasa Shoal sa Spratly Islands na saklaw ng exclusive economic zone ng Filipinas ngunit inaangkin ng China. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *