Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Erman Benitez ng Aigu, sino ang padrino sa Malacañang?

MAKARAANG mabuko ang tila NGANGANG postura ng hepe ng Presidential Anti-Illegal Gambling Unit ng GAB na si Atty. Ermar Benitez laban sa jueteng at iba pang uri ng ilegal na sugal, lumutang naman ang kuwestiyon kung sino nga ba ang naging padrino ng SIGMA RHORIAN na si Benitez para humawak ng dalawang sensitibong posisyon sa Games and Amusement Board (GAB).

Sapat na ba attorney na ikaw ay miyembro ng SIGMA RHO Fraternity para pareho mong hawakan ang AIGU at Legal Department ng GAB?

Hindi kaya inirekomenda ka ni Senator Sonny Angara na ka-brod mo kay Executive Secretary Jojo Ochoa?

Nakatitiyak tayo na ang job description ni Atty. Benitez  sa unang araw pa lamang nito sa GAB ay puksain ang talamak na operasyon ng jueteng at iba pang uri ng ilegal na sugal kung kaya sa kanyang mga balikat iniatang ang mabigat na gawaing pamunuan ang Presidential Anti-Illegal Gambling Task Force

Pero tila hindi ‘ata ito ang intensiyon ni Sec. Jojo Ochoa. Ewan natin kung ang pagtatatag ng presidential anti-illegal gambling task force ay para sa monetary considerations?

Para lang ba “pagtaryahin ” sa  ask force este task force ang mga kilalang jueteng lords at 1602 operators?

Sino-sino nga ba ang bumubuo sa task force ni Atty. Benitez?

Totoo rin ba na dahil ka-brod mo si Sen. Sonny Angara  ay daan-daanan mo na lang ang kanyang tanggapan? (INSENSITIVE) Dahil ba rekta ka na ngayon sa alter ego ni PNoy na si Jojo Ochoa, hindi mo na naaalala ang iyong pinagkakautangan ng loob?

Nagtatanong lamang po, Attorney?

Sa susunod nating pagbira, ano nga ba ang papel ni Bong Pineda, Dobol A, Luding Bonggaling, Ka Tita, Kabayo, Boy Aquino, Don Ramon, Tony “Bolok” Santos, Singson, Sanchez, Cesar Reyes, Joy Parañaque at iba pang sikat na personalidad sa jueteng sa Partido Liberal (LP)?

MGA PUTAHAN SA QC,

NGANGA PA RIN

SI MAYOR BISTEK

Matibay talaga ang padrino ng mga pasimuno ng kababuyan sa Quezon City na sina Perry M. Ted Sapitula, Big  ”BUTCH” Daddy at TADO PALMA.

Nakaturo ang kanilang mga daliri kay Mayor Bistek Bautista.

Maniniwala naman tayo dahil kung hindi alam ng butihing alkalde, sana matagal nang sarado ang mga club cum putahang CLASSMATE, METALICA, IDOL, BARTOLINA, TAKUSA, PARADISE, SUPERSTAR, GEORGESTOWN, MARINARA at BALAI LUNA.

Ang BALAI LUNA club po dear readers ay ipinagmamalaki ng bugaw/manager na si BONG kasosyo sina ES Jojo Ochoa at isang  General Uno!?)

Mga spakol na KREMLIN, Imperial Sauna Bath, Happy at Cubao Sauna Bath na kapwa pag-aari ng isang alyas Mr. Sy.

Direktang nagmumula kina Ferry, Ted Sapitula at Big Daddy  ang intelihensiyang (PAYOLA) na ipinamudmod hindi lamang sa mga pulis kundi maging sa mga kasapi ng MEDIA.

Partikular naman ang ‘hatag’ para sa mga DIYOS sa city hall lalo sa Business Permit Division at sa OCM.

Totoo rin bang si alyas DeR – By ang kontak ng grupo ni Ferry atTed  para sa tabloid newspapers?

Nagtatanong lamang po mga bossing!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air “ Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …