Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Space clearing

ANG space clearing ay madalas na ginagamit sa feng shui. Bagama’t hindi tradtional feng shui application, ang space clearing ay nagiging bahagi na ng contemporary feng shui work.

Ang ibig sabihin ng space clearing ay ang pag-clear sa space sa energy level. Ito ay sinaunang sining na araw-araw isinasagawa ng maraming lumang kultura – Mula sa India at Bali sa Peru at Morroco – at maraming iba’t ibang pamamaraan at materyal na ginagamit para sa space clearing.

Ang dahilan ng pagsasagawa ng space clearing ay simple: katulad sa physical level, may makikita kang alikabok at dumi na naiipon sa inyong bahay bilang resulta ng pang-araw-araw na mga aktibidad, ganito rin ang nangyayari sa energy levels. Maaaring hindi mo makikita ang “dust and dirt” ng human emotions, ngunit naiipon ito sa alin mang space, kaya mainam na i-clear ang mga ito nang regular.

Inirerekomenda na isagawa ang space clearing session nang kahit isang beses kada taon sa inyong bahay, o makaraan ang intense events na nagdulot ng negative energy, katulad ng divorce o paghihiwalay, halimbawa. Mahalaga rin ang pagsasagawa ng space clearing sa bahay na lilipatan, lalo na ang foreclosure house.

Ang light form ng space clearing ay maaaring magamit sa tuwing naglilinis ng inyong bahay sa physical level, gayundin bago o matapos ang inyong clutter clearing sessions.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …