Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rufa Mae, magkaiba na ang laki ng boobs (Matapos tanggalin ang bukol at operahan)

ni Alex Datu

NATATAKOT ngayon si Rufa Mae Quinto matapos maalis ang bukol sa kanyang upper left boobs na mahigit isang taon nang dinaramdam.

Ikinakatakot niya, matapos alisin ang cyst na kasing laki ng isang scoop ng ice-cream o mushroom ay hindi na maibalik sa dating porma o hindi na magka-size ang dalawang boobs.

Medyo gumaan naman ang nararamdaman niya nang may nagsabi sa kanya na may katulad niyang sitwasyon, na kusang bumabalik sa dating porma ang boobs.

Sa pinakahuling interview sa kanya, pinabulaanan nito ang balitang nagpalagay siya ng silicon gel kaya lumaki na parang papaya ang kanyang boobs.  Aniya, gifted lang daw siya at never siyang naging silicon gel dependent.

Dagdag pa nito, walang masama kung nababalita siyang nagpalagay ng silicon dahil para sa kanya, ito ang uso ngayon.

BUKOL NA NAKITA, ‘DI BENIGN

Kaya naman siya nagdesisyong magpa-check-up sa doktor dahil sa tumitinding sakit ng kanyang boobs at nawala ang kanyang pangamba nang makita sa findings na hindi naman ito benign base sa nasilip sa MRI o Mammogram.

Pagkatapos ng operasyon, ‘better than-ever’ ang deskripsiyon nito sa sarili base sa nararamdaman niya. Puwede na raw itong mag-celebrate kahit may kaunti pang sakit ng operation.  Pakiramdam nito ay marami uli siyang magagawa tulad ng paggi-gym na hindi nya masyadong magawa dahil sa nararamdaman sa kanyang boobs.

Sa ngayon, ninenerbiyos pa rin siya sa pangambang baka bumalik o magkaroon muli ng bukol sa iba namang parte ng kanyang katawan.

“Ninenerbiyos naman ako siyempre. Nandoon muna ako na matuyo muna ang sugat tapos …, tapos na akong mag-anti-biotic.”

Ang operasyong ginawa sa kanya ay nasa upper cut on the left, sa taas ng bilog.  Aniya, “mayroong time na ‘yung bandang kaliwa ko mayroon siyang itim tapos, matigas.  Tapos, parang hindi pantay. Alam ninyo talagang nagkaroon ng moment, ngayon talagang ramdam na ramdam ko ‘yung chest ko. Feel na feel ko ang chest ko, malambot, relax na. Kasi tumigas eh, dahil sa nangyari.”

IPAAAYOS ANG LAKI NG BOOBS

As of this early, kung mayroon man siyang ipaaayos sa boobs ay gusto lang nitong magka-level ang laki.  Pakiramdam kasi nito ay hindi balance ang size ng kanyang boobs at kung mayroon siyang ipaaayos ay ito na ‘yon.  ”Hindi naman malayo ‘yung size eh, kumbaga, mas mayroon lang lamang.  ’Di ko rin alam kung maga o ano ‘yun.”

Finally, inamin ng seksing komedyana na hindi niya alam na aabot siya sa ganitong stage ng kanyang pagkababe at gusto nitong ipaalam sa kapwa- babae na huwag matakot kung kinaya niya kung ano ang pinagdaanan niya ngayon dahil tiyak kakayanin din ito ng iba.  The best thing to do is alagaan ang katawan lalo na ang boobs at huwag kaligtaang mag-exercise.

Aniya, “ang pinaka-importante, kung may bukol at kailangan tanggalin eh, tanggalin na. Huwag magtiis kasi tiniis ko ang lahat for more than a year. Iwas sa masisikip na bra, huwag magtalon-talon at iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …