Thursday , January 9 2025

Panaginip gustong ipa-tattoo sa likod

Good noon po Señor,

Gusto ko lang po malaman kng anu ang ibiq sabihen ng panaginip ko’isang puno na patay na tomatau sa isang glid at my isang batang babae na umiiyak sa harap nang kabaog iyak ng iyak ung bta sa panaginip ko alam ninyo v araw2x ko,yan na panaginipan ung iniisip ko nga ay ipatatoo ko nlang kya sa likod ng katawan ko, maganda kya yan ‘txt na man ninyo kng anu ang ibiq sabehn yan tnx po,by lin lee (09984933219)

To Lin Lee,

Ang puno ay simbolo ng bagong pag-asa growth, desires, knowledge, at life. Ito ay may kaugnayan din sa strength, protection at stability. Kung nanaginip na umaakyat sa puno ,ito ay nagsasaad na maaabot mo o makukuha ang minimithi tulad ng para sa iyong career o trabaho at ang magandang kalagayan sa buhay o lipunan. Ang bilis o tagal at kung ikaw ay nahirapan sa pag-akyat sa puno ay maaaring may pahiwatig na time-table upang maisakatuparan mo ang mga pangarap sa buhay.

Ang pag-iyak naman ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.

Ang panaginip ukol sa kabaong ay simbolo ng womb. Ito ay may kaugnayan din sa iyong thoughts and fears of death. Kung walang laman ito, ito ay maaaring may kaugnayan sa irreconcilable differences. Alternatively, ito ay maaaring nagre-represent ng ideas and habits na hindi mo na kailangan o wala nang silbi sa iyo, kaya puwede nang ilibing o alsiin sa buhay mo. Maaaring simbolo rin ito ng ilang mga bagay o ng decaying situations na dapat mong harapin.

Posible rin naman na gusto mo talagang magpa-tattoo at nag-iisip ka kung anong magandang konsepto, kaya pumasok iyan sa panaginip mo.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *