HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung totoo ngang magiging playing coach si Manny Pacquiao ng Kia, isa sa tatlong bagong kompanyang tinanggap bilang miyembro ng Philippine Basketball Association (PBA).
Well, puwede!
Sure si Congressman Pacquiao kung ang posisyong iaalok at tatanggapin niya ay coach.
Wala naman kasing restriction doon, e. Hindi ba’t congressman din naman si Rain Or Shine head coach Joseller “Yeng” Guiao. So, magiging dalawa na ang coaches na congressmen sa PBA kung sakali.
Pero playing coach?
Medyo malabo.
Hindi malabo kung kakayahang maglaro ang pag-uusapan ha.
Malabo kung ang gusto ng Kia at ni Pacquiao na mangyari ay sure siyang playing coach ng automotive company.
Kasi, para maging player sa PBA si Pacquiao ay kailangang mag-apply siya sa 2014 Rookie Draft. Hindi siya puwedeng basta-basta pumasok. Kasi nga walang direct hire na consideration na ibinigay ang PBA sa tatlong bagong miyembro nito. Bukod sa Kia ay tinanggap din ang Blackwater Sports at NLEX.
Ang Elite at Road Warriors ay may mga teams sa PBA D-League at kung mga direct hire sana ay puwede na itong mag-akyat kaagad ng mga players buhat sa kanilang farm team. pero walang direct hire, e. So, sa draft din sila kukuha ng players.
Ang siste’y ang tatong bagong teams na ito ay makapipili lang simula sa No. 1 pababa. Mauunang pumili ang sampung member teams bago ang expansion teams.
So, puwedeng mapili si Pacquiao sa unang sampu!
Malaking panghatak si Pacquiao ng mga fans e.
Paano iyon? Pipiliin siya ng ibang team pero coach siya ng Kia?
Sabrina Pascua