Friday , November 22 2024

Malampaya Scam nilinis (De Lima explain — Malacañang)

NAPIKON si Justice Sec. Leila De Lima sa lumabas na balita na sinasabing ‘nilinis’ niya ang laman ng listahan ng mga sangkot sa P900-million Malampaya fund scam.

Sa isang pahayagan, sinasabing sadyang hindi isinama ni De lima sa mga kinasuhan ang umaabot sa 100 mayors na nakinabang sa pondo noong 2010 election kapalit ng pagsuporta sa pangarap ni De lima na maging senador sa 2016.

Ayon sa kalihim “foul, maliscious at irresponsible” ang nakasulat dahil malinaw na “hearsay” lamang ito.

Tanging pinagbasehan aniya ng istorya ay ang di-pirmadong affidavit ni Janet Lim-Napoles na isinumite kay rehabilitation czar Panfilo Lacson.

“That’s precisely my position kung bakit, ang thinking ko hindi pwedeng isina-submit lang ang listahan na walang pang narrative in an affidavit na magkukwento tungkol doon sa laman ng listahan di ba? Kaya disappointed ako na nire-release na ganyang mga dokumento na unsigned nga e,” pagdidiin ni De Lima.

Ayon pa sa lumabas na ulat, ang abogado ng mga whistleblowers na si Atty. Levito Baligod ang nag-ikot sa 100 mayors upang kausapin sila na hindi na isasama sa kaso kapalit ng suporta kay De Lima.

Giit ng kalihim, nakatatawa ang balita dahil nakausap niya mismo si Atty. Baligod at itinatangging ginawa ito ng abogado.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

DE LIMA EXPLAIN — MALACAÑANG

HINIHINTAY ng Malacañang ang paliwanag ni Justice Sec. Leila de Lima kaugnay ng sinasabing pagdoktor sa charge sheet ng mga sangkot sa Malampaya Fund scam.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ipauubaya nila kay De Lima ang pagpapaliwanag sa naturang akusasyon.

Ayon kay Coloma, mainam na hintayin ang paliwanag ni De Lima hinggil sa naturang isyu sa pagharap niya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ng Malampaya Fund scam.

Una rito, napaulat na batay sa hindi nalagdaang affidavit ni Janet Lim-Napoles isinumite ni Rehabilitation Czar Ping Lacson sa Senate Blue Ribbon Committee, aabot sa 100 alkalde ang hindi isinama ni De Lima na sinampahan ng kaso kaugnay ng Malampaya Fund scam.

Sinasabing kapalit nito ang suporta ng mga alkalde sa kandidatura ni De Lima na tatakbong senador sa 2016.

GOV’T OFFICIALS KASUHAN KUNG MAY EBIDENSYA

NAGPALIWANAG si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa hindi niya pagsibak kina Budget Sec. Butch Abad, Agriculture Sec. Proceso Alcala at TESDA director-general Joel Villanueva na dawit sa pork barrel scam.

Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi siya maaaring magsibak nang walang basehan at hindi pa napatutunayan ang pagkakasala ng mga opisyal.

Ayon kay Pangulong Aquino, mananatili ng inosente ang isang tao hangga’t hindi napatutunayang guilty.

Mas mainam aniya na kasuhan na lamang sina Abad, Alcala at Villanueva upang hindi puro alegasyon at walang naihaharap na ebidensya.

“Now, having said all of that, siguro ang dulo nito isa lang ang official family ko. May tiwala ba ako sa kanila o wala? Ano ba actually ang allegation sa kanila? At ipinangako ko naman sa inyo – at palagay ko nakita na ninyo – ‘pag may ebidensya tayong supisyente, dalhin natin sila sa korte, at ‘yon nga ang nangyari na ‘nung dinala ‘yung ating information sa Ombudsman,” ani Pangulong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *