PATULOY na paiinitin ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang summer season sa pamamagitan ng Ginuman Fest—ang pinaka-inaabangan at sobrang matagumpay na concert series ng brand, na kasalukuyang nililibot ang buong bansa kasama ang mga brand ambassador nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential, at pinaka-talentadong mga artista ng industriya ngayon.
Ngayong ikatlong taon na ito, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiyahan sa lahat ng mga loyal at solid na “kalahi”sa buong bansa. Bawat leg ng series na ito ay hitik na hitik at punompuno ng mataas na kalidad ng musika mula sa mga brand ambassador na inaasahang umawit ng kanilang greatest hits, hottest chart-toppers ngayon, standard favorites, at party anthems.
Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show na maraming mapapanalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at mga “side-games” na tiyak papatok sa mga kabarangay.
Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin nito sa buong mundo.
Maaari ring subukan at bilhin ng mga concertgoer sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI products gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, at Antonov Vodka.
Inaasahan ding mahigitan ng Ginuman Fest 2014 ang kamangha-manghang bilang ng mga tao na dumalo at nakisaya noong nakaraang taon na lumampas sa isang milyon sa buong run ng concert series sa buong bansa.
Ngayong Mayo, bibisita ang Ginuman Fest sa Pzorrubio, Pangasinan (Mayo 16, Pozorrubio Sports Complex, Brgy. Cablong) na magpe-perform ang Ginebra San Miguel Ganado Girls kasama ang The Itchyworms; sa Bayombong, Nueva Vizcaya (Mayo 17, Clisoc Field/Dumlao Stadium, Brgy. Don Domingo Maddela) na makikipagsanib puwersa ang Banda Ni Kleggy sa Rocksteddy at sa Ginebra San Miguel Ganado Girls; sa Baliwag, Bulacan (Mayo 24, Glorietta Park, Poblacion) na makakasama ng Ginebra San Miguel Ganado Girls ang Banda Ni Kleggy at Rocksteddy; at sa Imus Cavite (Mayo 24, Pilot Elementary School, Nueno Avenue) na magpe-perform ang Gracenote, Calallily, at Kenyo.
Naka-schedule ang iba pang mga legs ng Ginuman Fest sa Hunyo 14 (Tuguegarao, Cagayan Valley), Hunyo 19 (Daet, Camarines Norte), at Hunyo 21 (San Juan, Metro Manila).
Ang Ginuman Fest 2014 ay isinagawa ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo. Tumanggap ang Ginebra San Miguel ng ika-anim na Gold Quality Medal at pangalawang International High Quality Trophy ng Monde World Selection noong nakaraang taon. Napanatili rin ng Ginebra ang pagiging no. 1 gin sa buong mundo ayon sa Drinks International.