Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chito, nag-propose na ng kasal kay Neri

NAPAKA-ROMANTIC at emosyonal ang isinagawang proposal ng band singer na si Chito Miranda, 38, sa kanyang girlfriend na si Neri Naig, 28 noong Mayo 14 na isinagawa sa isang malawak na garden.

Si Chito bale ang lahat ng nag-isip kung paano gagawin ang proposal na pinalabas na isang music video shoot na kunwaring si Neri ang artistang gaganap. “It’s a front, kasi gusto ko i-document ‘yung proposal. Ito ‘yung best way na naisip ko—music video.

“Para hindi siya magtataka kung bakit may camera crew, may set-up, may camera, may sounds, may projector. I came out with a concept na kunwari may lakad-lakad sa field ‘tapos may makikita siyang projector,” masayang pagkukuwento ni Chito.

Kitang-kita namang nasorpresa si Neri nang biglang lumitaw sa wide screen ang, “Ako na siguro ang pinakasuwerteng lalaki sa buong Cavite.” At sumali na sa eksena si Chito, lumapit papunta sa kanya, at inabutan siya ng bulaklak. Doon ay mahigpit silang nagyakapan at parehong napaiyak. May ipinakitang video pa si Chito at sabay turo sa wide screen at ipinalabas ang video presentation ng couple photos nila.

Sa dulo ng video presentation, lumabas sa widescreen ang: “Dahil mapapangasawa ko ‘yung pinakamagandang babae sa Eastwoood… Kung papayag siya?”

Doon na lumuhod si Chito sa harap ni Neri at madamdaming nag-propose ng kasal sa dalaga.

Ani Chito, “I love you very much, baby… Will you marry me, baby?”

Tugon naman ni Neri, “Of course, yes.” Pagkatapos niyon ay isinuot na ni Chito ang engagement ring kay Neri at saka sila naghalikan at nagyakapan. Mayroon ding fireworks display, kaya naman ramdam na ramdam ang kasiyahan sa dalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …