Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica at Carlo, babalikan ang nakaraan sa MMK

ni Pilar Mateo

MATAGAL ng inaabangan ang muling pagsasama ng dalawang magagaling na artista kahit sa harap ng kamera—sa TV man o sa pelikula. At sa Sabado, May 17, 2014, magbibigay ng treat nila sa mga tagasubaybay ng MMK  (Maalaala Mo Kaya) ang mahuhusay na sina AngelicaPanganiban at Carlo Aquino sa isang dramatikong istorya.

Ang real at reel life sweethearts noon. Sa bago nating titingnan ngayon.

Gaganap si Angelica bilang si Susan, isang maybahay na masasangkot sa bawal na pag-ibig kay Andres (gagampanan ni Carlo), ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa.

Tampok din sa episode na idinirehe ni Nuel Naval sina Wowie de Guzman, Sharlene San Pedro, Mico Aytona, Louise Abuel, Tom Olivar, Madz Nicolas, Jillian Aguila, Allyson Mc Bride, Raine Salamante, at Laisa Comia. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Juvien Galano. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si MalouSantos, production manager na si Roda dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.Huwag palampasin ang onscreen reunion nina Angelica at Carlo sa longest-running drama anthology sa Asya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …