Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, mas feel ang batang binatang lalaki (Ayaw niya raw kasing makasira ng pamilya)

ni Pilar Mateo

DRA. Vicki Belo didn’t have a hard time looking for an endorser para sa bagong ipino-promote na procedure ng kanyang Belo Medical Group (BMG) na FemiLift.

Aminado naman si Dra. Vicki na maselan din naman na pag-usapan ang tungkol sa ‘pagpapasikip’ o dating tinatawag na flower arrangement o landscape sa ari ng babae.

Kaya nang may mag-suggest sa kanya sa pangalan ni Ai Ai delas Alas, nabuhayan na agad ng loob si Dra. Vicki at agad na nitong kinausap ang komedyana para subukan ang nasabing procedure.

And from that are Ai Ai’s Vagina’s Monologues:

“Tight is right! I swear, tighter na talaga siya. Si Dra. Vicki naman ang magsasabi at magpapa-totoo na masikip pa naman talaga ako. Ang description ko na rito noong ma-try ko, ‘pussy-kip’!

“So, pumunta ako sa clinic niya. Pagdating ko, nag-urinary test. Tapos, nilinis ko ang vagina ko. Then, ginawa na. Mayroon lang tubo na ipapasok na parang may disc na umiikot and three or four times siya labas-pasok. Wala kang pain na mararamdaman. Kaya masarap. Orgasmic nga ang feeling.

“Noong araw kasi, hindi ko alam kung ano ‘yung orgasm, eh. Pero woman on top kasi ako lagi. Ganoon ako makipag-make love. Noong dumating na lang ‘yung second baby ko, at saka na lang ako natuto.

“Ngayon? Baka may balikbayan? Hindi na ‘no! Masikip na uli ako pero the search is on. Hindi ba ako na-offend na isipin ng tao na ang luwang ko na? Hindi! Kasi, ayan si Dra. Vicki, o! Siya nga nagsasabi na masikip pa rin naman at hindi pa laspag kahit tatlong ulo na ang dumaan.

“Sa akin, ang purpose ng FemiLift, eh, ‘yung gusto nating lahat na mga babae sa mga partner natin. Na maging satisfied sila . To feel young again. At ‘pag dumating ‘yung time na may lalaki na o bf na dumating sa buhay ko, lalo na kung bata, para happy siya sa akin. Pero, hindi naman ‘yung mala-sanggol, ha? Ayoko ng matandang may asawa. Ayoko manira ng pamilya. Roon ako sa batang binata dahil walang masisirang pamilya.

“Kaninong  celebrity ita-try? Babae? Bakit babae? Lalaki siyempre ‘no! Sa ABS-CBN ba dapat? Dennis Trillo? Hahahaha!

“Nasabi ko sa anak kong si Sancho Vito na may bago akong ie-endorse. FemiLift. Tanong, ‘Ma, ano ‘yun?’ Explain. Ang reaction, ‘OMG! Pasabog ka talaga, Mom!’ Happy naman ang mga anak ko. Nagugulat na lang sila na kaya ko pa ang mga ganitong bagay-bagay. Si Sancho, still a romantic. Natuwa siyempre ako noong Mother’s Day! Flowers and all. The works.

“Bagong love? Date-date pa lang. Naghahanap. Kaya kailangan talaga, maghanap at tama itong ganito. Kasi, paano ka makakakita ng para sa ‘yo kung titigil ka lang. Sabi ko nga. ‘life is like a bicycle’…ahhh…ano nga kasunod niyon? Ah, ‘life is like a bicycle. To maintain the balance, you have to keep moving. So, let’s all move on!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …