Wednesday , November 6 2024

2 suntukan nangyari sa PBA tune-up

INAASAHANG parurusahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang mga manlalarong sangkot sa dalawang hiwalay na suntukang nangyari noong Martes sa dalawang tune-up na laro bilang paghahanda para sa Governors’ Cup na magsisimula sa susunod na linggo.

Unang nagkasuntukan sina Junmar Fajardo ng San Miguel Beer at Jondan Salvador ng Globalport sa laro ng dalawang koponan sa Acropolis Gym sa Libis, Lungsod ng Quezon.

Idinagdag ni Salvador na sadyang sinapak siya ni Arwind Santos ng Beermen sa likod ng kanyang ulo.

Dahil sa nangyari, natigil ang laro na lamang ang Beermen, 97-81, apat na minuto ang natitira.

Sa Meralco Gym naman, siniko ni Danny Ildefonso ng Bolts ang import ng Alaska na si Bill Walker sa huling quarter ng laro ng dalawang koponan.

Itinapon ni Walker ang bola kay Ildefonso kaya biglang nagkagulo.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *