BUMAGSAK na ang antas ng tubig sa walong dam sa Luzon na pinagkukunan ng water supply sa mga sakahan.
Ayon sa ulat ng Pagasa, tanging ang Pantabangan Dam na lang sa Nueva Ecija ang nananatiling stable.
Kabilang sa mga may mababang water level ang Angat Dam sa Bulacan; Ipo Dam sa Bulacan; La Mesa Dam sa Quezon City; Ambuklao Dam sa Benguet; Binga Dam sa Benguet; San Roque Dam sa Pangasinan-Benguet area; Magat Dam sa Isabela at Caliraya Dam sa lalawigan ng Laguna.
Ang ganitong kalagayan ay maaari pa anilang lumala kapag pumasok na ang El Nino phenomenon.