Saturday , November 23 2024

San Mig balak tapusin ang TNT

PIPILITIN ng San Mig Coffee na tapusin na ang serye at mapanalunan ang ikatlong sunod na titulo sa pagkikita nila ng Talk  N Text sa Game Four ng best-of-five championship series ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakalamang ang Mixers sa serye, 2-1 matapos na magwagi sa game three, 77-75 noong Martes.

Kung muli silang mananaig mamaya ay makokopo nila ang titulo’t mananatiling  buhay ang tsansang makumpleto ang Grand Slam sa aseason na ito.

Napanalunan nila ang kampeonato ng nakaraang Philippine Cup. Bago iyon ay naghari sila sa Governors Cup ng nakaraang season.

Ang Game Three ay naging dikitan hanggang dulo. Binura ng Mixers ang apat na puntos na bentahe ng Tropang Texters sa huling 1:10 at nakaamang 77-75 sa pamamagitan  ng split free throws ni Joe DeVance, .8 segundo ang nalalabi.

Tumawag ng timeout si Talk N Text coach Norman Black at si Jimmy Alapag ang nag-inbound ng bola.

Habol ni Mark Barroca ay naibigay ni Alapag ang bola kay Jayson Castro na ginuwardiyahan naman ng mas matangkad na si James Mays sa three-point area. Nagkaganito man ay naipukol ni Castro ang bola subalit hindi pumasok sabay ng pagtunog ng final buzzer.

“It was a game for ther ages. Both teams made on big shot after the other. Ranidel (de Ocampo) and Castro hit big threes in the end and then James Yap hit a difficult jumper from the side. It was intense and tight the whole way through and it just came down to the last possession,” ani San Mig Coffee coach Tim Cone.

Pinamunuan ni Mays ang San Mig Coffee nang magtapos ito nang may 20 puntos, 14 rebounds, apat na assists, dalawang steals at limang blocked shots.

Nakabawi naman si Peter June simon at James Yap sa masagwang performance sa Game Two. Si Simon ay nagtala ng 17 puntos, tatlong rebounds at isang assist. Si Yap ay gumawa ng 13 puntos, anim na rebounds at isang assist.

Si Castro, na pinarangalan bilang Best Player of the Conference bago nagsimula ang laro, ay nagtala ng 21 puntos, pitong rebounds, isang assist at dalawang steals. Si De Ocampo ay nagrehistro ng 18 puntos, anim na rebounds, isang assist at isang blocked shot.

Si Richard Howell, ang best Import ng torneo, ay gumawa ng sampung puntos, 22 rebounds, limang assists at tatlong steals.

Sinabi ni Cone na handa sila kung sakaling aabot sa sukdulang Game five ang serye pero kung puwede na itong tapusin mamaya ay pipilitin nilang gawin ito.

Hindi naman nawawalan ng loob si Black na makakabawi sila at mapupuwersa ang Game five. “We have to put this loss behind us now. I just hope that the game is governed well to give us a fair chance of winning.”

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *