AYAW ni Sen. Jinggoy Estrada na maging naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas ang sentro ng Brooklyn Nets na si Andray Blatche.
Sa hearing ng Senado tungkol sa kaso ni Blatche noong isang araw, sinabi ni Estrada na wala pang napapatunayan si Blatche sa basketball kaya dapat huwag na itong bigyan ng papeles bilang Pinoy.
Kinontra ni Sen. Sonny Angara ang mga pahayag ni Estrada.
Balak ni Gilas coach Chot Reyes na kunin si Blatche para tulungan ang Gilas na maging maganda ang kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto at sa Asian Games sa Incheon, Korea, sa Setyembre.
Bukod kay Angara, suportado rin sina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Tito Sotto ang panukalang batas ng Senado para maging Pinoy si Blatche.
(James Ty III)