Friday , January 10 2025

Lifestyle check vs Miriam (Resbak ni Ping vs Bading)

INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na dapat nang ilatag ang lifestyle check laban kay Senadora Miriam Defensor-Santiago ngayong nailabas na ang Benhur Luy list.

Nauna rito, nanawagan si Santiago na ilabas ang Luy list makaraan ipalabas ang Napoles list na hawak ni Lacson.

Sa Napoles list ay hindi kasama ang pangalan ni Santiago. Ngunit nasa Luy list ang pangalan ng senadora.

“Barely one day before Luy’s list came out, she was saying that the Luy’s list was more credible. Understandably, crooks often forget petty transactions since they would likely use the loot on less significant expenditures. They only remember the big ones that enter their fat bank accounts,” pahayag ni Lacson.

Aniya, ngayong nailabas na ang Luy list, “the Senate’s self-proclaimed anti-pork ‘crusader’ must be quaking in her shoes while cracking her head thinking of some crazy pick-up lines to divert the issue from her P2.5M rebate aka kickback from her P10M allocation through a Napoles NGO.”

Patuloy ang palitan ng patutsada nina Santiago at Lacson.

Magugunitang sinabi ni Santiago na si Lacson ay  “attack dog” ni Senador Juan Ponce Enrile. Idiniin din ng senadora na bading si Lacson.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

SENATORS, REPS  SA NAPOLES LIST  TODO-TANGGI

MAITUTURING na karaniwang piraso ng papel lamang  ang Napoles list na inilabas ni Rehab czar Panfilo Lacson lalo’t hindi ito pirmado ni Janet Lim-Napoles.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga bagong isinasangkot sa naturang listahan, kasabay ng paggiit nang sapat na ebidensya.

Ayon kina Sens. Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero at Miriam Defensor-Santiago, pati na kina Pampanga Rep. Oscar Rodriguez at Mindoro Rep. Reynaldo Umali, hindi kayang sirain ng naturang listahan ang kanilang mga adbokasiya sa paghahanap ng katotohanan ukol sa katiwalian.

Hinala ni Rodriguez, sinadya ng kampo ni Napoles na isama siya sa listahan dahil bilang pinuno ng House committee on good government ay maaari niyang mahimay ang tunay na nakapaloob sa mga transaksyon ng pekeng NGOs.

Kung kasama aniya siya sa listahan, papano pa niya mapangungunahan ang isang inquiry nang ligtas sa mata ng mga kritiko.

Ayon kay Rodriguez, nasorpresa, natawa at nainis siya nang makita ang kanyang pangalan sa listahan.

Kasabay nito, hinamon ng mga mambabatas ang kampo ni Napoles na maglabas ng dokumentong magpapatunay ng partisipasyon nila sa pork barrel scam.

Kabilang sa talaan ay ang 12 dati at incumbent senator habang nasa 68 ang kongresista.

Ang mga senador na kabilang sa Napoles list ni Lacson, ay sina

Ramon “Bong” Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, Vicente Sotto, Loren Legarda, Koko Pimentel, Alan Peter Cayetano, Gringo Honasan, Chiz Ecudero, JV Ejercito, Manny Villar, at Robert Barbers.

Kapansin-pansin na wala sa talaan ang pangalan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago taliwas sa panayam kay Lacson na kabilang ang senadora.      – NINO ACLAN

(May dagdag na ulat sina BHENHOR TECSON, LARA LIZA SINGSON, NIKKY-ANN CABALQUINTO, CAMILLE BOLOS at ANTONIO MAAGHOP JR.)

NAPOLES LIST NI PING BASURA  – PALASYO

BALEWALA at hindi pwedeng gawing ebidensya ang Napoles list dahil ito’y isang “scrap of paper” lang.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang usisain ng media kung bakit nananatili pa rin sa pwesto ang ilang miyembro ng gabinete na kasama sa Napoles list.

“ The President has always said, “kung may ebidensiya doon tayo.” But look at the… The list is there what does it prove? And given the affidavit, which is unsigned, how do we proceed with that… So anybody can just… In law kasi ang tawag namin diyan sa unsigned affidavit, it’s a mere scrap of paper e,” sabi ni Lacierda.

Katwiran ni Lacierda, kailangang may lagda at sumpaan ng sino mang indibidwal ang kanyang salaysay upang masimulan ng awtoridad ang imbestigasyon sa nilalaman nito.

Sabi aniya ng Pangulong Aquino, mauubos ang kanyang mga tao kung sisibakin niya ang bawat miyembro ng gabinete batay sa akusasyon na walang ebidensiya.

“The President has always said that we will see. Kasi kung… Alam mo ang sabi niya, kung lahat naman ng naa-accuse e—let’s say kung may mga Cabinet members, lahat ia-accuse, wala namang ibidensiya, ‘di ‘pag tinanggal ito, mawawalan ako ng tao,” giit ni Lacierda.

Gayunman, ayaw ni Lacierda na husgahan ang paglalabas ni rehab czar ng “Napolist” na walang pirma.

”We make no judgment on Secretary Lacson. He has a copy of the list but all I’m saying, at the end of the day, the DoJ will have to evaluate whichever affidavit is going to be signed by Mrs. Napoles and whichever list is going to be submitted by Mrs. Napoles,” sabi pa niya.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *