ni JAMES TY III
MAGSISIMULA na sa Linggo, Mayo 18, ang bagong show ni Jasmine Curtis sa TV5, ang Jasmine, 9:00 p.m..May kaunting suspense at reality show ang format ng programa ng kapatid ni Anne Curtis na papel niya ang isang aktres na sangkot sa intriga ng showbiz.
Ang Jasmine ay isa sa mga bagong show na ilulunsad ng TV5 sa mga susunod pang buwan para makalapit sa ABS-CBN at GMA sa ratings.
Umaasa ang TV5 na kaya ng bagong show ni Jasmine na makipagsabayan sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda ng Dos at Imbestigador ni Mike Enriquez ng Siete.
May isa pang show si Jasmine, ang Spin Nation, tuwing Sabado ng gabi sa Singko pa rin.