INIMBENTO ang £165 games console para sa mga aso upang sila ay malibang habang wala sa bahay ang kanilang amo.
Ang CleverPet ay may tatlong sensitive touch pads, na umiilaw kapag nasaling ng ilong o paa ng aso.
Kapag tama ang pagpindot, maglalabas ito ang pagkain para sa aso – at ang susunod na game ay medyo komplikado.
Ang amo ay maaaring mag-log on sa special app upang makita kung paano maglaro ang aso.
Ang CleverPet ay inimbento ng San Diego-based scientists at entrepreneurs na sina Dan Knudsen at Leo Trottier.
“The CleverPet completely transforms your pet’s experience of being home alone,” anila.
“It’s a device that feeds your dog while she engages with it and learns. And we even make it easy for you keep track of when your pet plays and eats.”
Ang magpartner ay naghahanap ng magpopondo para mailunsad ang CleverPet sa komersiyal sa pamamagitan ng Kickstarter at sa kasalukuyan, nakapag-ipon na sila ng three-quarters ng target nilang $100,000.
(ORANGE QUIRKY NEWS)