Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin nagmagandang loob na, sinisiraan pa ng kampo ni Nora Aunor (Manager, agad na nilinaw ang isyu)

ni  Peter Ledesma

PARANG kung makapagsalita ang kampo ni Nora Aunor at super-sipsip sa superstar na si Rosanna Roces ay bago ang issue tungkol sa pangungutang ng controversial actress. Hindi ba’t noon araw-araw ay halos ay laman si Ate Guy ng mga blind item ni Cristy Fermin sa mga kolum niya tungkol sa panghihiram raw ng pera sa mga tagahanga niya sa Amerika. Ngayon, kinuha na nga ni Coco Martin ang serbiyso nila ni Osang, sa first produced na Indie film nitong “Padre De Familia,” ang actor pa ngayon ang pinalalabas nilang masama at ang da height ay ‘yung pinagbibintangan pa nila ang Hari ng Teleserye sa Primetime Bida ng Kapamilya network, na siya raw umano ang nagkakalat na siya ang nagbabayad ng upa sa condo ni Ms. Aunor. Sa sobrang kabisihin ni Coco, sa ngaragang taping ng No. 1 teleserye na Ikaw Lamang, shooting ng movie nila ni Sarah Geronimo na “Maybe This Time” na showing na sa May 28, tila jingle na lang yata  ang pahinga magkakaroon pa ba siya ng oras, para sa mga ganitong ka-cheap na issue? Saka respetado ng actor si Ate Guy, so walang dahilan para siraan niya sa publiko.  Para sa mas lalong ikalilinaw ng issue, narito ang ipinadalang text messages ng manager ni Coco na si Sir Biboy Arboleda sa ating kasamahan sa hanapbuhay at kapwa kolumnista dito sa pahayagang Hataw na si Roldan Castro. Narito ang laman ng mensahe sa texts ng  very sweet at lovable na si Sir Biboy. “Nakarating na sa akin ang balitang ‘yan last Thursday. Nasabi ‘yan ni Kuya Boy (Palma) na manager ni Ate Guy kay Malou Crisologo na production manager ng “Padre de Familia.” Sabi ni Malou May lumabas na balita na nasabi ni Coco ay mga negative na bagay-bagay about Ate Guy. It’s not true, ‘di ‘yan gawain ng alaga ko, and sa true lang wala siyang oras sa gitna ng kangaragan niya sa pag-shoot noon ng Padre de Familia vis a vis shooting ng Maybe This … vis a vis ‘pag tipar pa ng other commitments here and abroad. Malou told

Kuya Boy na sa tagal niyang alaga at katrabaho si Coco ay ‘di siya naniniwala na Coco could’ve said such things about Ate Guy. But she will tell me agad para makarating kay Coco. “So ‘yan ang update ko wala na ako mag-react if driven ‘yan by other people or groups na ‘di gusto or mahal si Ate Guy and ‘di gusto ko or mahal si Coco, ‘yan ang democracy, ‘yan ang showbiz. Salamasteh,” buong ningning na paglilinaw pa ng mabait at masipag na talent manager ng Dreamscape Entertainment Television.

O hayan, ang mag-react mamalasin na tulad ni Osang gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …