Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang Kalye (Part 16)

NAKITA NI ATE SUSAN ANG PAGTANGAY  SA KANYANG ANAK  NG MGA LALAKI SAKA  PINAHARUROT  ANG VAN

Nakiangkas ako sa traysikel na kanyang sinakyan dahil napag-utusan ako ni Kuya Mar na bumili ng isang piyesa ng ginagawa naming sasakyan. Nasa makalagpas lang ng konti ng kinder garten school ang tindahan ng auto spare parts na pupuntahan ko.

Kapag ordinaryong araw ay talagang trapik sa lugar na patutunguhan namin ni Ate Susan. Pero mas grabe ang pagkabuhol-buhol ng daloy ng mga sasakyan nang araw na iyon dahil may taksi at truck na nagkabanggaan daw.

Nasulyapan ko sa relong pambisig ng tricycle boy na mag-a-alas-nuwebe na. Alumpihit na tuloy si Ate Susan sa pagkakaupo sa loob ng aming sinasakyan. Bigla pang nagpula ang traffic lights kaya muli itong huminto. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago nagberde ang ilaw-trapiko sa poste. At karaka namang pinaarangkada ng tricycle boy ang minamaneho nitong sasakyan.

Tiyempo ang dating namin ni Ate Susan sa  paglalabasan ng mga batang estudyante na may kanya-kanyang sundo, nanay, tatay o maid. Pag-ibis namin ng traysikel ay natanaw ko ang paglapit kay Lyka ng isang lalaki. Bigla nitong pinigilan sa dalawang kamay ang anak nina Ate Susan at Kuya Mar at saka sapilitang isinakay sa isang van. Nakasigaw pa ng “Mommy” ang anak ng aming mga tagapagkupkop. Pero mabilis ding naisara ang pinto ng van at paharurot itong pinasibad ng driver.

Nasaksihan din ni Ate Susan ang pagtangay sa kanyang anak ng papalayong van. Pero ikinatulala niya ang ‘di inaasahang pangyayari. Nakita ko na parang nawalan ng dugo ang kanyang mukha. Nangatal ang kanyang mga labi na ang tanging naibulalas ay “Ang anak ko…Diyuskupu!”

Pag-uwi namin ng bahay, paos na ang boses ni Ate Susan sa walang tigil na pag-iyak. Paputol-putol niyang naibalita kay Kuya Mar ang naganap na pagkidnap sa kanilang anak. Ikinataranta iyon ni Kuya Mar na hindi alam ang dapat gawin.

Ang unang naging hakbang nina Ate Susan at Kuya Mar ay ipagbigay iyon sa mga maykapangyarihan. (Itutuloy)

ni  Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …