Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UAAP Season 77 magbubukas sa Hulyo 12

PUSPUSAN ang paghahanda ng University of the East sa pagiging punong abala ng ika-77 na season ng University Athletic Association of the Philippines sa Hulyo 12 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Shakey’s Malate kahapon, sinabi ng secretary-treasurer ng UAAP na si Rodrigo Roque na nagsisimula na ang pag-rehearse ng mga estudyante ng pamantasan para sa opening ceremonies ng liga.

Si Derrick Pumaren ang bagong coach ng UE pagkatapos na sibakin ng pamantasan si Boysie Zamar.

Maghaharap ang UE Warriors kontra University of the Philippines Maroons sa unang laro sa alas-2 ng hapon pagkatapos ng opening ceremonies sa alas-12 ng tanghali samantalang maglalaban ang defending champion ng men’s basketball na De La Salle University at ang Far Eastern University sa alas-4.

Bukod kay Pumaren, ang iba pang mga bagong coaches ng UAAP men’s basketball ay sina Kenneth Duremdes ng Adamson, Segundo de la Cruz ng UST at Rey Madrid ng UP.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …