Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So kasalo sa unahan

PUMITAS ng kalahating puntos si Pinoy super grandmaster Wesley So upang makisalo sa top spot ng 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba kamakalawa ng gabi.

Hanggang 85 moves ng Sicilian, Taimanov variation ang tinagal ng laro ni seed No. 3 So (elo 2731) kay No. 2 seed GM Vassily Ivanchuk (elo 2753) ng Ukraine upang ilista ng una ang 2.5 points sa event na may six players double-round robin format.

Kasalo ni 20-year old So sa unahan sina top seed GM Leinier Perez Dominguez (elo 2768) ng Cuba at GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary.

Dinikdik ni Dominguez si GM Francisco Vallejo Pons (elo 2700) ng Spain matapos ang 47 sulungan ng Sicilian habang nakipaghatian ng puntos si Almasi kay Batista Lazaro Bruzon (elo 2682) ng host country.

Kikilatisin ni So si Almasi sa round 5.

Sa opening day ay  natablahan si So ni Bruzon at nanalo naman ito sa round two kontra kay Vallejo.

Nakuntento naman sa draw si So kay Dominguez sa third round.

Samantala, ginulat ni Almasi si Ivanchuk sa round three matapos ang 34 moves ng Scoth Game. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …