ni Ronnie Carrasco III
AS already reported by the media, nakapiit na sa Camp Crame ng PNP si Deniece Cornejo na boluntaryong sumuko accompanied by her kin.
Pero sa mga footage na ating napanood, tanging ang kanyang lola na si Ginang Florencia ang nahagip ng camera.
Lest the public is led to think na kulang ang suporta ng pamilya sa kanilang kaanak, sa katunayan, bukod kay Lola Florencia ay kasama rin sa Camp Crame ang nanay nito at menor de edad na kapatid.
Hiniling kasi ng mismong ina ng umano’y nireyp ni Vhong Navarro na huwag siyang kunan. In the case of Deniece’s younger sibling, isang SOP na ang iwasan hangga’t maaari na kunan ang mga menor de edad upang pangalagaan ang kanilang mga karapatan.
Nanghihinayang kami sa ‘di pagpayag ng ina ni Deniece na maaktuhang sinasamahan niya ang kanyang anak. Kung matatandaan kasi, all this time ay puro na lang lola niya ang bumibida sa mga panayam mapasaan mang programa at estasyon.
Mas madalas pa nga ang pagpapainterbyu ni Lola Florencia kaysa mismong ama ni Deniece, na minsan lang nagsalita via phone patch interview at hindi na nasundan. Isang ninang din ni Deniece noon ang pumayag lumabas on camera.
With Deniece’s mother’s outright refusal to face the media, she blew her chance na manawagan ng hustisya para sa kanyang anak. Pagkakataon na sana niya ‘yon na isiwalat ang kanyang mga saloobin lalo’t she’s the nearest of kin.
Ayon sa aming nasagap, takot daw ang namamayani sa ina ni Deniece. Maaaring takot noong kasagsagan ng usaping ito, pero para manahan pa ang takot sa kanyang puso when finally the wheels of justice are taking their course, para sa amin ay isang malaking BUH-KIT?!