Monday , December 23 2024

Iloilo CAAP personnel nagsoli ng P1-M

HINDI makapaniwala ang isang maintenance personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Iloilo International Airport na ang laman ng napulot niyang bag ay naglalaman ng halos isang milyong piso.

“Ang dami namang play money nito,” ani Rubilyn dela Peña habang isinailalim sa inventory ng mga kawani ng Lost and Found section sa nasabing terminal ang kanyang napulot.

Ayon sa mga opisyal ng CAAP sa Iloilo, sinabihan si Dela Peña na ang mga perang napulot niya ay tunay na currencies.

Ilan sa mga item na nai-turn over ni Dela Peña ay 12,000 Francs; 220 Dirhams; isang Ray Ban sunglasses; isang unit na Gateway brand laptop at charger; limang pirasong foreign coins; mobile phone charger; black wallet o pouch na naglalaman ng passport, immigration documents, calling cards at ilang identification cards; at Canon camera at pouch.

Ayon sa CAAP, ito ang pangalawang pagkakataon na nakapulot si Dela Peña ng valuable items sa airport. Nitong nakaraang taon, nakapag-turn over siya ng napulot na ilang pirasong jewelry na naging dahilan para mabigyan siya ng komendasyon ng CAAP.

Si Dela Peña, 38, na may dalawang anak, ay nagtatrabaho bilang contructual employee sa Iloilo International Airport ng pitong taon.

Ayon pa sa CAAP, noong May 6, isang black bag na may lamang importanteng dokumento at salapi ang naiwan ng pasaherong nakilalang si Ramzy Ferry ng Lome, Togo.

Kinilala si Ferry sa pamamagitan ng calling cards at iba pang mahalagang records na nakita sa loob ng kanyang black bag. Ilang ulit sinubukan ng mga opisyal ng Iloilo airport na kontakin si Ferry pero nabigo sila. Nag-email na lang sila sa pasahero dahil sa importanteng dokumento at pera na laman ng kanyang bag.

(GLORIA GALUNO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *