SINAMPAHAN ng kasong kriminal at administratibo ni Senador Aquilino Martin “Koko” Pimentel III ang apat na opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil sa pamemeke ng kanyang pirma sa dokumento na may kinalaman sa pagpapalabas ng kanyang pork barrel funds.
Kabilang si Pimentel sa idinadawit sa isyu ng pork barrel scam na sinasabing naglagak ng kanyang P30 milyong PDAF sa Agro Industrial Enhancement at P10 mil-yon sa Surigao del Sur bilang benepisaryo para sa organic farming.
Sa sulat niya kay Ombudsman Conchita Morales-Carpio (Mayo 8, 2014), kabilang sa inireklamo niya sina Antonio Fleta, Undersecretary for Administration and Finance; Delia A. La-dera, Supervising Administrative officer; Charie Sarah D. Saquing, Chief Accountant; at Telma C. Tolentino, officer-in-charge, Budget Division ng nasabing ahensiya.
“I am filing criminal and administrative complaints for falsification and violations of the Anti-Graft and Corrupt Practice Act and the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, against officers of the Department of Agriculture,” aniya sa kanyang sulat sa Ombudsman.
Aniya, base sa opisyal na rekord, wala ni isa mang sentimo sa kanyang PDAF projects na magpapatunay na naglagak siya ng pondo para sa implementasyon sa Napoles-controlled NGO.
“I have never endorsed any of my PDAF projects for implementation by any NGO, whether Napoles-controlled or not,” diin ni Pimentel.
(NIÑO ACLAN/
CYNTHIA MARTIN)