Friday , November 22 2024

Batang Kalye (Part 15)

NATAKOT SI JOEL SA RESBAK NG MGA SINDIKATO KAY KUYA MAR DAHIL HANDA SILANG PUMATAY

Nang sadyain at kumustahin si Kuya Mar  ni SPO3 Eva Sanchez sa talyer ay humanga ito sa kanyang prinsipyo.

“Bilib  ako sa ipinapakita mong malasakit sa mga batang kalye.. Kung kakailanganin mo ang tulong ko ay  tumimbre ka lang,” ang nasabi nito sa paghahayag ng malasakit kay Kuya Mar.

Noon naging kapansin-pansin sa akin ang malimit na pagbabalisa ni Joel. May mga sandali na maging sa aming pagtatrabaho sa talyer ay hindi siya mapakali. At para pang laging lumilipad sa malayo ang isip niya.

Pinununa ko si Joel kinagabihan nang araw na ‘yun.

“May problema ka ba?” usisa ko.

Napatitig lang siya sa mukha ko. Pakiwari ko’y may ibig siyang sabihin pero hindi niya magawang magbukas sa akin. Tinapik-tapik ko siya sa balikat.

“Para ka namang others, e… ano ba talaga ang problema,” ang pasakalye ko. “Sige na, ‘Pre… magsalita ka.”

Inihilamos muna ni Joel sa mukha ang kanyang mga palad. Nagkautal-utal siya sa  pasi-mulang mga pangungusap.

“D-dati rin akong batang pulubi na hawak noon ng sindikato…” aniya na patikhim-tikhim sa pag-aalis ng kung anong bara sa kanyang lalamunan. “T-tumakas lang ako kaya… kaya ako nakakawala sa kanila.”

“Narinig mo naman ang sabi ni Kuya Mar… Sabi niya, ikaw at ang iba pang dating mga batang pulubi na kinukupkop nila ni Ate Susan ay ‘di nila isusurender sa sindikato, di ba?”   pagpapalakas ko sa loob ni Joel.

“P-pero ang inaalala ko ay si Kuya Mar. B-baka resbakan siya ng sindikato…I-ibang klase kasi ang kahayupan ng mga ‘yun,” aniya, nasa anyo ang takot.

“Ibig mong sabihin, kaya nilang pumatay ng tao?”

Muling nanahimik si Joel.

Si Ate Susan  ang nakatoka sa paghahatid-sundo ng anak na si Lyka mula Lunes hanggang Biyernes.  Bago mag-alas nuwebe ng umaga ay umaalis na siya ng bahay para sunduin ito sa paaralan. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *